Categories: Viral

Umani ng papuri ang malikhaing guro na ito na gumawa ng makulay na dingding mula sa mga sirang armchair at sirang lababo!

Aminin man natin o hindi, sadyang hanggang ngayon ay marami pa ring mga naghihirap na lugar sa ating bansa kung saan hindi lamang pangkabuhayan sa araw-araw ang kanilang pinoproblema kundi pati na rin ang kanilang pagpasok sa eskwela. Tunay nga na nakakalungkot ang mga ganitong sitwasyon ng ilan na nating mga kababayan ngunit marami pa din naman ang nagtutulong-tulong upang kahit papaano ay mapagaan at maging maayos ang buhay ng maraming mga Pilipino.


Isa na marahil ang guro na ito mula sa South Cotabato na kung saan ang kaniyang pagiging likas na malikhain at maparaan ay kaniyang ginamit upang maiayos at mapaganda ang kanilang paaralan matapos niyang gamitin ang mga sirang armchair at sirang lababo upang makagawa ng isang makulay na dingding nito lamang Hunyo 3, 2019.


Ang kamangha-mangha na gurong ito ay nakilala bilang si Reynel Calmerin. Siya ay nakapagtapos ng kursong Bachelor of Elementary Education sa University of Southeastern Philippines sa Tagum City, Davao Del Norte. Siya ay kasalukuyang nagtatrabaho sa Polomolok Central Elementary School sa Polomolok, South Cotabato. Narito ang bahagi ng kaniyang post sa social media; “From broken chairs to my classroom wall, para klaro po, itinapon na po iyang mga upuan, kinunan na po iyan ng parts na ginamit pang–repair sa ibang upuan. at saka yang wall… sirang lababo po yan,” pahayag ng butihing guro.

Hindi alintana ng guro ang init at pagod sa kaniyang ginagawa bagkus ay talaga namang pinagsumikapan niya at pinagtiyagaan ang pagkukumpini at pagpapaganda ng kanilang silid-aralan. Narito naman ang ilan sa mga komento ng maraming mga netizen sa kasipagan at pagiging malikhain ng guro na ito;
“Galing naman ni Sir! Very creative!”


“Salute to you sir! Teachers are very resourceful talaga.”
“Very creative and innovative teacher! I salute you for your ingenuity!!!”
“Sipag at tiyaga talaga ang kapital ng mga guro para umusad ang kaunlaran ng isang paaralan. Good job po sir.”

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago