Hinangaan ng marami ang farewell speech na ito ni Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa Coronation Night ng Binibining Pilipinas na nagpaluha sa maraming mga Pilipino!

Tayong mga Pilipino ay kilala sa pagiging mapagmahal, talentado, madiskarte sa buhay, masiyahan at may matatag na pananampalataya sa Diyos. Likas na sa atin ang mga ganitong katangian na hinangaan din naman ng maraming mga dayuhan mula sa ibang bansa. Kung kaya naman hindi na rin nakakagulat na marami sa ating mga kababayan ang patuloy na nagbibigay ng karangalan sa ating bayan.


Isa na marahil dito ang kababayan natin na si Miss Universe 2018 Catriona Gray na muling nagbalik sa Pilipinas ng korona na pinakahihintay nating mga Pilipino. Kamakailan lamang ay idinaos na nga ang Binibining Pilipinas 2019 na nagbigay daan para sa panibagong mga kandidatang Pilipina na magbibigay karangalan para sa ating bansa. At ito rin ang naging daan upang maipasa na ni Catriona ang kaniyang korona sa isang karapat-dapat na Pilipina.


Namangha nga ang marami sa “Waling-Waling” inspired gown ng ating pinakamamahal na si Queen Cat na likha ng pamosong designer na si Mak Tumang. Ngunit ang labis na nakapukaw ng atensyon ng publiko ay ang kaniyang farewell message na naglalaman ng nagsasabing:


“Philippines, my heart is overflowing with gratitude. This journey has been made even more meaningful because every single step of the way, I felt each and every one of you right there with me. I am so humbled and immensely grateful to each and every one of you who has given true meaning to feeling the love and the support of the filipino people,”ani Miss Universe 2018 Catriona Gray.


Ilan naman sa mga bagong nakoronahan ay sina: Miss Universe Philippines 2019: Gazini Ganados,
Bb. Pilipinas International 2019: Bea Patricia Magtanong, Bb. Pilipinas Intercontinental 2019: Emma Tiglao,


Bb. Pilipinas Globe 2019: Leren Mae Bautista, Bb. Pilipinas Grand International 2019: Samantha Lo, Bb. Pilipinas Supranational 2019: Resham Saeed.

Maraming mga Pilipino ang patuloy na nananalangin at umaasa na muling maiiuwi ng ating mga kandidata ang korona at karangalan para sa ating bansa.



Reply

error: Content is protected !!