Isang pangpublikong hayskul sa Imus Cavite inulan ng papuri at positibong mga komento dahil sa naka-tiles nilang entablado at iba pang bahagi ng kanilang paaralan!

Sadyang hindi natin maipagkakaila na maraming mga pangpublikong paaralan ngayon sa ating bansa ang napupuluan, nababatikos at umaani ng maraming mga negatibong komento dahil sa labis na kakulangan sa mga silid-aralan at faculty room na tila hindi nabibigyan ng atensyon at solusyon.

Tulad na lamang ng mga guro sa Bacoor Cavite na gumagamit ng mga banyo ng kanilang paaralan bilang kanilang faculty room.


Kamakailan nga lamang ay isa na namang pangpublikong paaralan sa Cavite ng naging viral sa social media ngunit sa pagkakataon na ito ay dahil naman sa labis na kalinisan at ang pagkakaroon nila ng mga “tiles” sa mga open spaces ng paaralan tulad na lamang ng entablado at maging ang labas ng kanilang gate.


Sa Facebook, ilang mga larawan ng Imus National High School ang ibinahagi ng mga mag-aaral at ng prinsipal na si Ginoong Arturo Rosaroso. Ang nasabing prinsipal ng paaralan ay nagbahagi ng mga larawan ng malinis at napakagandang “open field” ng kanilang eskwelahan na mas pinaganda pa ng mga asul na kulay ng mga “tiles”.

Ang nasabing paaralan ay mayroon ding napakaraming mga halaman sa palagid na talaga namang ikinatuwa rin ng mga netizens.


Maraming mga netizen ang humanga sa pagtutulunhan ng prinsipal, mga guro, mga magulang at iba pang staff ng paaralan upang magkaroon ng kapaki-pakinabang na proyekto ang paaralan na makatutulong rin sa pagpapaganda ng kapaligiran ng mga estudyanteng nag-aaral doon.


Dagdag pa ng prinsipal sa kaniyang post na ang bawat isa ay naging disiplinado at naging dahilan rin ng pagiging matagumpay ng kanilang proyekto. Hindi lamang huwaran ang paaralan na ito sa kalinisan dahil sa mayroon ding iginawad sa kanila mula sa Gawad Kalasag na “Best Secondary Public School” sa buong Rehiyon IV-A.

Ipinahayag din ng prinsipal na mas pagbubutihin pa nila ang pagpapanukala at pagpapatupad ng mga proyektong makakatulong sa kalinisan nang kanilang paaralan na tiyak na makakatulong para sa pagiging komportable ng mga mag-aaral at guro ng nasabing paaralan.



error: Content is protected !!