Categories: NewsShowbizViral

Naaalala nyo pa ba ang “Pantasya ng Bayan” na si Joyce Jimenez, ito na pala ang buhay niya ngayon!

Marahil ay isa ka rin sa maraming mga Pilipino na napapaisip kung ano na nga ba ang nangyari sa dating mga tao o kilalang personalidad na ating hinahangaan? Sa panahon ngayon na laganap na ang modernong teknolohiya at social media ay hindi na kataka-taka na magkaroon tayo ng mga paraan upang makabalita o kaya naman ay malaman ang mga bagay bagay patungkol sa kanila.


Isa na marahil ang dating aktres at sikat na personalidad na si Joyce Jimenez na mayroon na ring bagong buhay sa ngayon. Ang dating “Pantasya ng Bayan” noon na kilalang kilala ng mga batang ‘90s ay mas kilala rin sa pangalang Joyce Reintegrado na hinangaan ng marami dahil sa kaniyang galing at husay sa pag-arte at taglay na kagandahan at alindog.


Ilan sa mga pelikulang kaniyang nagawa ay ang “Warat” kung saan nakasama niya ang aktor na si Jomari Yllana, “Ano Bang Meron Ka” kasama ang aktor na si Dither Ocampo, “Alam Mo Ba Ang Latest” kung sana niya naman nakasama si Aga Muchlach, “Pinay Pie” kasama ang Comedy Queen na si AiAi delas Alas at Assunta de Rossi. Siya rin ay naging cover ng ilang mga men’s magazine.


Nagkaroon siya ng isang FilAm na nobyo na siya rin namang nakatuluyan ng aktres. Siya ay si Paul Ely Egbalic na isa ring miyembro ng United States Air Force. Ikinasal sila noong 2008 at biniyayaan ng tatlong mga anak. Panganay nila si Jorja Ely na isinilang noong Oktubre 2009, Jaysen Eliss na ipinanganak naman noong Marso 2011 at Julian Elysson na isinilang naman noong Enero 2014.


Sa maraming taon na lumipas ay talaga namang hindi pa rin kumukupas ang kaniyang angking kagandahan at kaseksihan na hinangaan ng maraming mga Pilipino. Kamakailan nga lamang ay nagbahagi siya ng kaniyang mga larawan sa social media na talaga namang hinangaan ng marami niyang mga tagahanga at tagasuporta.

Kahit pa tatlo na ang kaniyang mga anak ay hindi pa rin niya napapabayaan ang kaniyang sariling kalusugan at pangangatawan.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago