Ang assignment na ito ng isang estudyante ang nagdulot ng kalungkutan sa publiko!

Masarap at masayang magkaroon ng kumpletong pamilya. Pamilya ang matatag na sandigan ng marami, ito ang kanilang karamay sa anumang dagok ng buhay. Talaga namang pinagpala ang mga tao na hanggang sa ngayon ay mayroon pa ring kumpletong pamilya.


Dahil aminin man natin o hindi ay talaga namang marami na rin ang nakararanas ng hiwalay na pamilya o yung “broken family” kung tawagin ng marami. Kadalasan na itong nararanasan ng maraming mga kabataan sa ngayon. Tunay ngang masakit na karanasan ang magkaroon ng isang hiwalay na pamilya hindi lamang para sa mga magulang ngunit lalo’t higit sa mga anak na mawawalay sa kanilang mga magulang.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang ibinahaging post na ito ng isang Miko Sy kung saan ito ay mayroong caption na: “Assignment: Bring family picture.” Isang napakadaling takdang-aralin para sa maraming mga kabataan. Ngunit para sa katulad ni Miko, ito ay talaga namang napakabigat at napakahirap na gawain.

“Every broken family weakness. Yung iba tuwang-tuwa pa dahil palibhasa hindi nila nifi-feel yung broken family”, dagdag pang estudyante. Nakakalungkot isipin na maraming mga kabataang Pilipino ang talagang nakakaranas ng mga ganitong pangyayari sa kanilang mga buhay sa murang edad. Ngunit sa kabila nito ay nagsusumikap pa rin silang maging maayos at magpakatatag sa harap ng maraming tao.


Narito naman ang mga naging komento ng mga netizen patungkol sa viral post ni Miko:

“Kung pwede lang sana na iba na lang ang ipa-assignment ni Ma’am pag ganito.”
“Incomparable h€artbr€ak.”
“Ito yung weakness ko na never kong ginawa sa school kaya absent ako pag ganito kasi ayoko makarinig ng kwento ng mga kaklase ko about sa family nila beside yung makita na may family pictures sila.”
“Naiyak ako bigla, simple lang yung assignment pero tagos sa puso.”
“Lagi wala ako assignment pag ganito.”
“My weakness always. Iniiyak ko na lang naalala ko dati to. saklap. ayaw ko na ulit mag broken fam, ang hirap sobra.”



Reply

error: Content is protected !!