Heaven Peralejo, aprubado kay Jinkee Pacquiao na ina ng nobyo niyang si Jimuel Pacquiao!

Kamakailan lamang ay nagpahayag nga ng kaniyang pagsang-ayon si Jinkee Pacquiao sa relasyon ng kaniyang anak na si Jimuel at ng aktres na si Heaven Peralejo. Ayon pa sa misis ng “Pambansang Kamao” na si Senador Manny Pacquiao, isa lamang ang kaniyang nais ipaalala sa kaniyang anak lalo na pagdating sa buhay pag-ibig nito. Para sa kaniya, ang pananampalataya at relihiyon ay isa sa pinakamahalagang bagay sa isang relasyon.


Dagdag pa ng ina, tinanong lamang niya ang anak kung Christian ang aktres dahil ang nais niya sa kaniyang mga anak ay makahanap sila ng Christian na talagang malapit sa Panginoon dahil yun talaga ang importante sa kaniya bilang isang ilaw ng tahanan.


“Tinanong ko si Jimuel kung Christian si Heaven. Ganun lang. Kasi ‘yung parang advice ko sa kanila na, ‘Maghanap kayo ng Christian,’ Yung Christian talaga na malapit kay Lord, kasi ‘yun, importante talaga ‘yun sa akin,” pahayag ni Jinkee.


Pag-amin naman niya ang mga katangian na ito ay natagpuan naman niya sa dalaga. At dahil nga sa siya ay asawa ng isang bilyonaryo, hindi rin siya nakaiwas sa mga tanong patungkol sa estadong pinansyal ng nobya ng kaniyang anak. Agad naman niya itong pinabulaan at sinagot na hindi naman talaga ito kinakailangan pa.


“Ay, no, no! Not necessarily. Walang ganun. Kilala ko naman si Heaven, kasi napapanood ko siya noon sa Pinoy Big Brother. Sinubaybayan ko siya,” pagpapaliwanag pa ng ina.


Iginiit din ng ina na kung hindi niya pinakikialaman ang buhay pag-ibig ng anak, talaga namang hindi niya maiwasan na magsalita at makialam sa interes nito sa pagboboksing at pag-aartista.
“Yung sa boxing lang niya ako nangingialam. Kasi, ayaw ko talagang mag-boxing siya. At saka’ yung sa pag-aartista. Sa ngayon ay ayaw ko pa talaga, dahil ang gusto ko ay makatapos muna sila ng pag-aaral,” pagpapaliwanag pa ni Jinkee.



error: Content is protected !!