Isang mataas na tindahan ang talaga namang kinagiliwan ng marami dahil sa kakailanganin mo pang umakyat bago ka mapagbilhan!

Sa Pilipinas, marami na talagang mga tindahan saan mang sulok ng ating barangay. Dito tayo makakabili ng mga kailangan natin sa araw-araw sa halip ba magtungo pa tayo sa mga pamilihan. Ito rin ang isa sa mga pampalipas oras ng marami nating mga lolo at lola o di kaya naman ay ang ating mga nanay at tatay. Talaga namang malaki din ang naitutulong na kahit papaano ay mayroon silang pinagkakaabalahan.


Kamakailan nga lamang ay nagbahagi ng isang nakakatuwang larawan ng isang sari-sari store ang isang netizen na nakilala bilang si Jasmin Rdzk Usman mula sa Kabuntalan, Maguindanao. Marami ang nagulat na ang tindahang ito ay hindi mo basta basta mapagbibilhan dahil sa ito ay nasa ikalawang palapag ng bahay. At tila walang posibleng paraan upang maakyat ito.


Bagamat mayroong inilagay na tila hagdanan o akyatan sa gilid ng nasabing tindahan ay naging napakahirap at nakapadelikado pa rin nitong akyatin at babain. Maari din itong maging dahilan ng pagkakapahamak ng ilang mga mamimili ng nasabing tindahan lalo na kung hindi ito agad magagawan ng paraan ng may-ari ng tindahan.


Ikinatuwa at kinagiliwan naman ito ng maraming mga netizens. Narito ang mga naging pahayag ng mga netizen sa nasabing viral na post patungkol sa mataas na tindahan:

“Iwas magnanakaw”
“Mataas na talaga ang bilihin ngayon.”
“Okay lang kung mataas ang tindahan pero wag lang ang presyo ng paninda nila.”
“Kung yan lang tindahan alam ko, no choice kundi akyatin.”
“Minsan kase bumabaha jan abot hanggang taas. Kaya nagbabanga na lang yung bumibili.”
“Dapat nag adjust muna yung may tindahan kasi kung tamad at may malapit na tindahan kagaya niyan malamang wala yan sila maging customer.”

Ang viral post na ito ay nagbigay paalala hindi lamang sa mga may-ari ng tindahan na maging maingat at pag-isipang mabuti ang kanilang mga desisyon sa kanilang tindahan lalo na kung maisasaalang-alang ang kaligtasan ng kanilang mga mamimili, dapat din namang mag-ingat ang mga mamimili lalo na kung magiging delikado para sa kanila ang pagbili sa isang tindahan na nasa ikalawang palapag pa ng bahay na walang maayos na hagdanan o aakyatan.



Reply

error: Content is protected !!