Misis na nagloko sa kaniyang mister, siya pa ang may gana na magwala at mag-eskandalo nang muli silang magkita!

Ang isang pamilya ay binubuo ng isang ama, ina at kanilang mga anak. Ang mga magulang ang siyang nagsisilbing gabay ng kanilang mga anak hindi lamang sa pag-abot nila ng kanilang mga pangarap ngunit sa paggabay din sa mga ito upang sila ay lumaking mabubuting tao at may takot sa Diyos.

Ngunit paano kung ang isa sa mga magulang ay magloko at hindi maging matapat sa kaniyang asawa? Paano na ang kanilang mga anak? Paano na ang kanilang pamilya?

Naging maugong na usap-usapan nga ang mag-asawang si Charlie at Sheerlyn Lozada nang magtungo at humingi ng tulong ang “Padre de Pamilya” sa programa ni Raffy Tulfo. Si Sheerlyn ay mayroon diumanong kalaguyo sa ibang bansa kung saan siya ay nagtatrabaho bilang isang Overseas Filipino Worker o OFW. Ngunit sa halip na magwala at magalit si Charlie ay mas nais nito na magkaayos silang mag-asawa para sa kanilang mga anak.

At dumating na nga ang araw nang muli nilang paghaharap at talaga namang ikinabigla ng marami ang pagwawala at pag-eeskandalo ni Sheerlyn na siyang nagkaroon ng pagkakamali sa kaniyang mister. Kinakailangan pang awatin at pigilan ng mga opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA at ng mga tao na naroon bago kumalma ang ginang.

Kahit pa nagwala at nag-eskandalo si Sheerlyn ay nanatiling kalmado at nanghingi pa rin ng pagkakataon si Charlie na makipagbalikan sa misis. Ngunit sadyang hindi na talaga nais pa ni Sheerlyn na makipagbalikan sa kaniyang asawa.

Napagkasunduan na lamang ng dalawa na hindi na sila maaari pang magkabalikan kung kaya naman gagampanan na lamang nila ang kanilang responsibilidad para sa kanila. Sa General Santos City muna manunuluyan s Sheerlyn habang si Charlie ay mananatili sa Makati kasama ang kanilang mga anak.

Marami ang mga netizen na nainis, nagalit, at nabwisit at inasal ni Sheerlyn. Ngunit mas marami din naman ang humanga sa pagiging mapagmahal sa pamilya ng mister nito na si Charlie.



Reply

error: Content is protected !!