Isang 14 na taong gulang na dalaga ang nakitaan ng doktor ng ilang daang mga “milk tea pearls” na hindi natunaw sa katawan nito!

Isang dalaga na 14 na taong gulang ang naospital kamakailan lamang dahil sa “constipation” at sakit ng tiyan. Ikinagulat naman ng marami na nakitaan siya ng maraming mga “milk tea pearls” na hindi natunaw sa kaniyang katawan.


“Milk tea” na yata ang isa sa pinakasikat at pinakapinag-uusapang inumin sa panahon ngayon. Sa katunayan, makakakita ka nga ng mga mahahabang pila ng mga taong gustong bumili ng mga ganitong klase ng inumin.

Samantala, lingid naman sa kaalaman ng marami ang masamang dulot ng sobra at labis na pag-inom nito sa ating katawan. Ngunit kagaya na lamang ng maraming paalaala ng mga eksperto sa pag-inom ng labis na “softdrinks” at iba pang inumin ay tila nagbibingi-bingihan pa din ang publiko.

Nagbabala din ang ilan pang mga Psychologist sa mga mahilig uminom ng milk tea na dapat ay siyasatin nila ang kanilang mga sarili lalo na kung ang nais lamang nila ay ibandera ang kanilang iniinom upang makakuha ng mga “likes” sa social media. Ngunit giit naman ng marami ay talagang nasasarapan sila sa nasabing inumin.

Sa Zheijang Province sa China, isang 14 na taong gulang na dalaga ang nakaranas ng matinding sakit ng tiyan at “constipation”. Hindi siya makakain o makapagbawas man lamang sa kanilang palikuran dahil sa sakit ng kaniyang tiyan, kung kaya naman agad agad na siyang sinugod sa ospital ng kaniyang mga magulang noong Mayo 28.


Nang tinanong ang dalaga tungkol sa mga nauna niyang kinain bago ang nasabing insidente ay sinabi nito na isang serving lamang ng milk tea ang kaniyang ininom limang araw na ang nakalilipas. Ngunit ito ay hindi kaagad pinaniwalaan ng mga doktor dahil sa daan-daang milk tea pearls na nakita sa kaniyang katawan, marahil ay itinatago ng dalaga ang kaniyang labis na pag-inom ng milk tea sa kaniyang mga magulang.

Dagdag pa ng ilang mga eksperto, ang milk tea pearls ay gawa sa “starchy tapioca” na mahirap tunawin ng ating katawan. Nang madiskubre ng mga doktor ang sanhi ng sakit ng tiyan at constipation ng dalaga ay binigyan siya agad ng “laxatives” at pinayuhan na limitahan ang kaniyang sarili sa labis na pag-inom ng nasabing “sugary drink”.



error: Content is protected !!