Isang nobyo ang dapat sana ay sosorpresahin ang kaniyang kasintahan sa kaarawan nito, nagulat siyang makita na may kasama itong ibang lalaki!

Nakakalungkot man isipin ngunit mayroon talagang mga relasyon na hindi nagtatagal. At kadalasan nga na naghihiwalay ang mga magkasintahan dahil sa ibang tao o “third party”. O sa madaling salita ay nagloko at piniling ipagpalit ang kanilang kasintahan sa ibang lalaki o babae.


Kamakailan lamang ay isang lalaki nga ang nag-viral sa social media nang siya ay magplano ng sorpresa para sa kaarawan ng kaniyang minamahal. Mayroon din siyang inihandang mga bulaklak para sa kaniyang nobya.


Ngunit nang siya ay patungo na sa kaniyang nobya ay nagulat na lamang siya nang makita na ang kaniyang babae na minamahal ay may kasama at kayakap na ibang lalaki. Sa halip na masorpresa ang kaniyang nobya sa kaarawan nito ay siya pala ang labis na masosorpresa sa nasaksihang paglalambingan ng kaniyang nobya at ng ibang lalaki.


Habang pinipigil ng lalaki ang kaniyang luha ay tinuloy pa rin nito ang pagkuha ng mga larawan ng nobya kasama ang isa pa nitong kasintahan. Ang nasabing netizen na nagbahagi nito ay nakilala sa bilang si “@KenWong” na mayroong caption na “Today is my girlfriend’s birthday, so I thought of giving her a surprise. I didn’t expect to see this scene.”

Ang nasabing nobya ay tila tuwang-tuwa pa sa sorpresa ng isa pang lalaki sa larawan na tila napatalon pa siya sa sobrang kagalakan at napayakap ng mahigpit dito. Sa ngayon ay hindi pa rin malinaw kung kinompronta nga ba ng nobyo ang lalaking yakap yakap ng kaniyang kasintahan. Marami din namang mga netizen ang hindi napigilang magalit sa nobya na hindi na nakuntento sa kaniyang kasintahan at naghanap pa ng ibang lalaki.


Marami din namang mga netizen ang nagkomento na buti na lamang at nalaman na ng nobyo ang totoong pagkatao ng kaniyang nobya. Marahil ay mayroon pang mas karapat-dapat na tao para sa kaniya na mas papahalagahan siya, mamahalin siya at hindi siya magagawang lokohin o ipagpalit pa sa ibang lalaki.



error: Content is protected !!