Isang video ng mala-dwendeng alien ang usap-usapan ngayon at pinagkakaguluhan ng publiko!

Ilang panahon na rin ang nakalilipas mula ng magsimulang mag-isip at magtaka ang maraming mga tao patungkol sa mga hindi kapani-paniwalang bagay sa ating kapaligiran tulad na lamang ng mga “alien” at iba pang mga nilalang. Ilan nga sa mga pruweba ng mga ito ay ang hindi na mabilang na mga pelikula at libro tungkol sa mga ganitong uri ng nilalang. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring mga katibayan patungkol dito.

Kamakailan nga lamang ay mayroong video na kumakalat sa social media na tila isang buhay na patotoo o ebidensiya sa ating mga tanong at pagtataka tungkol sa tunay nilang pag-iral sa mundo na ating ginagalawan. Matapos makita sa camera ang kakaibang nilalang na ito.

Isang Vivian Gomez nga ang nagbahagi ng video na kuha mula sa CCTV footage ng kaniyang car port. Mapapansin na payat, at tila isang alien na parang duwende ang nilalang na nakuhanan at nahagip ng camera.

Kung mapapansin sa video ay aakalain mo talagang hindi ito isang normal na tao dahil sa napakakitid at napakapayat ng mga binti nito. Ang kaniyang ulo ay sadyang malaki rin habang ang kaniyang pangangatawan ay maihahalintulad naman sa isang duwende. Ang kaniyang paglalakad ay hindi nga lakad ng isang normal na tao dahil sa tila mukhang bigat na bigat siya sa kaniyang maliliit at mapapayat na mga binti.

Pinagkaguluhan nga ito ng maraming mga netizens at naging viral sa sandaling panahon lamang ng pagkakaupload. Marami ang nagsasabing maaaring isa na naman itong fake video ngunit marami pa rin ang kinabahan at kinilabutan nang mapanuod ang nasabing video ng isang alien.


Walang anumang kumpirmasyon o pagpapatunay sa nasabing viral video. Ngunit anumang nilalang ang nakita sa video na iyon ay tiyak na mayroong tama at wastong eksplanasyon para sa mga tao na hanggang ngayon ay nagtatanong at naguguluhan pa din.



Reply

error: Content is protected !!