Larawan ng Lineman na may suot na pakpak, na bigay ng kanyang anak

Ang mga ama ang tinatawag na haligi ng tahanan. Sila ang nagsisilbing proteksyon at taga-pangalaga ng kanyang pamilya. Ang mga ama rin ang mga masisipag na nagtataguyod ng pamilya. Sila ay nagtatrabaho upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya.


Pero hindi lamang dito natatapos ang inaaalay ng isang ama, nagbibigay din siya ng walang sawang pagmamahal para sa kanyang asawa at anak. Sila rin ang nagiging sandalan ng pamilya sa oras ng pangangailangan.

Katulad na lamang ng isang ama sa isang post. Isang halimbawa ng pagmamahal niya sa kanyang anak sa pagsuot niya ng pakpak na bigay sa kanya ng kanyang anak.

Sa post ni Keith Anderson, makikita dito na isang lineman ang umaakyat sa poste na may suot na pakpak ng paru-paro. Ikinatuwa at ikinamangha ng maraming netizens ang klase ng pagpapakita ng pagmamahal ng lalaking ito sa kanyang anak. Hindi siya nahiya bagkus ipinagmalaki niya ang pag-aalala ng kanyang anak.

Ito ang sinabi sa post:
“His young daughter found out what he did for a living, so she made him wings so he would be safe. And a good dad will wear his daughter’s wings.”

Ayon sa post, napag-alaman ng anak ang klase ng trabaho ng kanyang ama. Sa pagakyat sa mga matataas na poste ay naisipan bigyan ng pakpak ang kanyang ama. Maraming netizens ang naantig ang puso sa ginawa ng ama. Kung para sa iba ay nakakahiyang gawin ito, para sa kanya ay ipinagmamalaki niya ito.

Nakakatuwang isipin din na ang anak ng lineman ay nagbigay ng pakpak. Dahil ito sa labis na pagmamahal at pag-aalala. Maipapakita rin sa larawan ang dahilan ng ama sa kanyang kasipagan sa trabaho. Ang mga pakpak na suot niya ang nagsisilbing inspirasyon upang pagbutihan ang trabaho.


Nakaka-bilib ang ama na ito! Malamang ay ipinagmamalaki ka ng iyong anak!



error: Content is protected !!