‘New Hairstyle’ ni Barbie Imperial, kay ganda sa mga litratong ibinahagi niya!

Ang ating buhok ay itinuturing na ‘crowning glory’. Malaki ang nagiging epekto ng itsura ng ating buhok sa ating mukha. Ang buhok natin ang isa sa mga nagbibigay ng kagwapuhan o kagandahan sa ating pisikal na anyo.


Kaya naman marami ang iniingatan at inaalagaan ang ating buhok. Tila ba isa itong korona na kinakailangang paka-ingatan. Isa din ang buhok sa pagbibigay ng itsurang namumukod-tangi. Minsan ay nakaka-kita tayo ng mga kalbo at para sa iba ay bumabagay ito. Nagkakaroon ng ‘identity’ sa bawat istilo ng buhok.

Halimbawa ay mga basketbolista, karaniwan sa mga sikat na basketbolista ay kalbo. Sinasabi rin ng ilan na bumabagay sa matataba ang mahahaba ang buhok at sa mga matatangkad naman ay maikling buhok.


Minsan ay binabagay din sa panahon ang istilo ng buhok. Kapag mainit ang panahon, ninanais ng karamihan na magpaikli ng buhok. Sa kabilang banda ay kapag malamig naman ay siyang nagpapahaba ng buhok. Ang impluwensya din ng ibang bansa ay nakaka-apekto sa istilo ng buhok. Katulad na lamang ng mga buhok ng mga Koreano.


Kaya sa mga mahihilig magpaganda ay magpa-guwapo, talagang gumagastos ang iba sa pagpunta sa mga barbero o salon. Para sa mga babae ay nagpaparebond at nagpapa-kulay. Kahit na gumastos ay handa ang iba upang maging kaaya-aya ang itsura.


Katulad na lamang ng sikat na artista na si Barbie Imperial sa kanyang ‘new look’ na hinangaan ng maraming netizens. Ibinahagi ni Barbie Imperial ang mga larawan kung saan ay mapapansin na maikli ang kanyang buhok. Mapapansin na bumagay sa kanya ang istilo ng buhok bukod pa sa mala-manika niyang mukha. Talagang bagay na bagay sa kanya ang pangalang ‘Barbie’ sa taglay niyang kagandahan.


Matatandaang nagpakita ng talento sa pag-arte si Barbie Imperial sa isang kapuso teleserye kasama ang aktor na si JM De Guzman. Marami ang kinilig sa kanilang tambalan.



Reply

error: Content is protected !!