Categories: NewsShowbizViral

Scarlet Snow Belo magiliw na kinantahan ang kaniyang mga ninang na sina Jinkee Pacquiao at Dyan Castillejo ng kantang “A Whole New World”

Marami tayong hinangaan na mga sikat na artista ng henerasyon ngayon. Lalaki man o babae ay talaga namang hahanga ka sa angkin nilang kagandahan, kakisigan, talento at pag-uugali. Ngunit hindi na lamang iisang indibidwal ang hinahangaan ngayon ng publiko dahil maging isang buong pamilya o di kaya naman ay tambalan o love team ang pinapalakpakan ng mga tao dahil sa marami na rin ang humahanga sa mga bata na anak ng mga sikat at kilalang personalidad.


Hindi na kataka-taka na maraming mga magulang ang nagnanais na ipangalan ang kanilang mga anak sa mga anak ng mga artistang ito. Dahil sa kanilang ka-cutean at talento. Tulad na lamang ng anak ng mga celebrity doctor na sina Hayden Kho at misis nito na si Dra. Vicki Belo-Kho.


Labis ngang kinagiliwan sa social media ang video ni Scarlet Snow Belo na kinakantahan ang kaniyang mga ninang na sina Jinkee Pacquiao at Dyan Castillejo.


Si Jinkee Pacquiao ang kilalang misis ng “Pambansang Kamao” at Senador na si Manny Pacquiao. Hinahangaan siya ng publiko dahil sa angkin niyang kagandahan at sa kakayahan niyang magdala ng magaganda at mamahaling mga accessories, mga mamahalin na bag, sapatos at mga branded na damit. Si Dyan Castillejo naman ay ang kilalang tennis player noon at sports reporter.

Binisita nila ang kanilang inaanak na si Scarlet at hindi naman sila binigo ng bibong bata sa pagpapakitang gilas nito sa kaniyang pag-awit ng “A Whole New World”. Makikitang gustong-gusto niya ang kaniyang pag-awit at damang dama niya ang bawat linya ng kanta. Labis naman itong kinagiliwan ng maraming mga netizens at labis na ikinatuwa ng marami. Dahilan upang umani rin ito ng maraming mga positibong komento at reaksyon mula sa mga tao.

Talaga nga namang walang makakatiis sa kabibuhan ng mga cute na cute na bata na ito tulad na lang ni Scarlet.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago