Isang cafe sa South Korea ang kinagigiliwan ngayon dahil sa mala-“Stairway To The Sky” na Cafe dito!

Kilala tayong mga Pilipino na maganang kumain, ngunit bukod pa doon ay masarap din tayong magluto. Dahil hindi lamang ito basta basta pagluluto para sa marami sa atin dahil ito rin ang ating paraan upang maiparamdam sa ating pamilya ang ating kalinga at pagmamahal sa kanila.

Ngunit higit sa galing nating magluto at sa magana nating pagkain ay hindi rin maikakaila na marami din sa atin ang mahilig pumunta sa iba pang mga kainan, restawran, o di kaya naman ay mga cafe. At siyempre, kung saan mayroong masarap at nakakatakam na mga pagkain ay mayroon ding mga tao na kumukuha ng mga larawan ng mga ito na kanilang ibinabahagi sa social media.


Ang salitang “instagrammable” ay patok na patok sa henerasyon ngayon. Maraming mga tao ang kumukuha ng mga larawan, damit man yan o kasuotan, pagkain, o di kaya naman ay lugar na kanilang pinupuntahan upang maipost o maibahagi sa kani-kanilang social media account, isa na marahil ang Instagram sa talagang pinaglalaanan ng panahon at oras ng marami sa atin.


Dahil dito ay marami ding mga restaurant o kainan sa buong mundo ang naglalagay ng iba’t-ibang disenyo sa kanilang mga kainan upang kahit paano ay makuha ang atensyon ng mga tao at ng mga posible nilang customer. Natural na sa ating mga Pilipino ang maghanap ng mga masasarap at sulit na mga kainan na mayroon ding magagandang tanawin o di kaya naman ay disenyo.


Tulad na lamang ng Cafe Ceilo 957 sa South Korea na naging Instagram hit. Salamat na lang sa “stairway to the sky” peg ng Cafe na ito. Ito ay ang hagdanan sa labas ng Cafe na nakaharap sa malawak at maaliwalas na tanawin ng nasabing lugar. Kung ikaw ay magpapakuha ng larawan dito ay aakalain mong tila papasok ka na sa tarangkahan ng langit.


Sa ngayon ay mayroong pila ang mga customer na nais magpakuha ng larawan sa nasabing hagdanan. Humigit kumulang isang oras ang paghihintay sa pila na ito. Dahil talaga namang nakakamangha ang set-up ng nasabing Intagram hit. Ang nasabing Cafe ay nagbukas nito lamang Abril na naghahain ng iba’t-ibang mga “pastries” at inumin.



Reply

error: Content is protected !!