Larawan ng magbabarkadang ito, kinagiliwan ng publiko dahil sa ginawa nilang paraan upang makasama ang kanilang ibang kaibigan sa kanilang gala!

Marahil ay nakaranas na din kayo ng mga plano ng barkada na hindi matuloy tuloy o di kaya naman ay matutuloy nga ngunit dalawa o tatlo lamang ang makakadalo. Ito marahil ang dahilan kung kaya maraming mga Pilipino ang naka-relate sa usapin patungkol sa masayang pagpaplano ng mga magkakaibigan na minsan ay natutuloy ngunit kadalasan ay hindi rin naman.


Marahil ito ang dahilan kung bakit nag-viral agad ang isang Facebook post ng magbabarkada na larawan na lamang ng mukha ng iba nilang mga kaibigan ang kanilang nakasama sa kanilang pagbiyahe. Ang nasabing post ay mayroon nang 18 libo na reactions at 22 libo na mga shares. Hindi na nakakapagtaka na marami ang nag-share ng nasabing post at naka-relate.

Narito ang naging caption nila sa viral post:
“Yung andami nyong nagplano at nag confirm sa lakad pero tatlo lang ang tumuloy #friendshipgoals #batanes #morefuninthephilippines”

Sila ay may bilang na 21 sa kanilang barkadahan ngunit tatlo lamang sila g natuloy sa kaniyang biyahe. Kung kaya naman naisipan ng tatlo na magprint ng mga larawan ng kanilang mga kaibigan na hindi nakasama, upang kahit sa larawan man lamang ay makumpleto sila.

Marami naman ang mga netizen ang hindi na napigilan na magkomento at i-tag ang kani-kanilang mga kaibigan. Mayroon pa ngang ilan na nagsabing mabuti pa kung biglaan ang isang plano ay kadalasang natutuloy dahil kapag talaga nakaplano ng matagal ay tiyak na hindi matutuloy tuloy ang muling pagsasama-sama ng barkadahan.

Ano kaya ang nararamdaman ng mga kaibigan sa viral post na hindi nakasama sa biyahe ng barkada ngunit naalala ng tatlo nilang kaibigan na isama sila kahit sa mga larawan lamang. Tiyak na susunod nilang lakad ay magkakaroon na sila ng mas maraming kasama o di kaya naman ay maaari muli nilang gawin ang nakakatuwang paraan na ito upang makumpleto ang kanilang barkada.



error: Content is protected !!