Nagkaroon ng karangalan ang Isang Pulis dahil siya ang tumayo bilang ‘Guardian’, sa eskwelahan, ng anak ng hinuli niyang mga magulang



Isang batang babae ang problemado sa kanyang pagpasok sa eskwelahan dahil ang kanyang mga magulang ay nasa loob ng kulungan. Ang mahirap pa sa kanyang kalagayan ay wala na siyang ibang mahanap na pwedeng tumayo bilang ‘Guardian’ upang makapasok bilang Grade 7.



Siya ay si Angela Perez, sa kagustuhan makapag-aral ay minabuti niyang lumapit sa Pulis na nanghuli at nagkulong sa kanyang magulang. Ginagawa lamang ng mga pulis ang kanilang trabaho. Dahil nagkasala ang mga magulang ni Angela Perez, naging mahirap ang sitwasyon niya upang maka-pasok muli sa paaralan..


Nilapitan ni Angela ang pulis na nanghuli sa kanyang magulang. Siya ay si PCpl Claro A. Fornis sa Police Community Precint 1 sa Makati City Police Station. Nadurog ang puso at naawa ang pulis sa sitwasyon ni Angela at hindi na nagdalawang isip na tulungan ito at upang maging ‘Guardian’ sa eskwelahan.


Si Angela Perez ay estudyante ng General Pio Del Pilar National High School. Kinakailangan ng magulang o ng guardian para maka-enrol sa eskwelahan. Ito ang itinulong ni PCpl Claro A. Fornis dahil parehas naka-kulong ang mga magulang ng bata.



Sinabi rin ni Fornis na bilang isang ama, siya ay nalungkot sa nangyari kay Angela. Natuwa din siya sa klase ng determinasyon ni Angela sa pag-aaral. Ang kabutihang loob na ipinakita ni Fornis ay naging viral at nalaman ito ng NCRPO Director PMGEN Guillermo Lorenzo T. Eleazar. Ang Chief mismo ang bumista kay Angela upang tulungan. Napag-alaman pa na may karamdaman si Angela sa kanyang thyroid glands. Ipinagmalaki din ni Chief Eleazar si Fornis sa kabutihan na ipinakita niya.

Ayon kay Chief Eleazar:
“Sa totoo lang nabasa ko lang sa dyaryo and when I read the article I was touched by the effort done by PCpl Fornis and for that being the father of the NCRPO, sabi ko dapat ito ang mga nirerecognize,”

“Maaring hindi na nakikita ng publiko itong mga simpleng kabutihan ng mga pulis dahil minsan hindi newsworthy, pero kung makikita natin ang ating mga pulis may pamilya kung saan we can always relate to ourselves dahil ang isa sa core values ng PNP ay pagiging Maka-tao.”



Bukod sa mga kagamitan sa paaralan na itinulong ng kapulisan kay Angela, sinuri din siya ng NCRPO Regional Health Service sa kanyang karamdaman.

Bukod pa dito ay pinarangalan at binigyan ng award si Fornis sa ipinakitang kabutihan kay Angela.

Source: Abs-cbn




error: Content is protected !!