Ito pala ang espesyal at kakaibang regalo ni Dra. Vicki Belo sa kaniyang mister na si Hayden Kho.

Si Dra. Vicki Belo ay isa sa pinakakilalang personalidad sa ating lipunan ngayon. Tinagurian din siyang doctor of celebrities dahil na rin sa dami ng mga matagumpay na artista sa ilalim ng kaniyang pangangalaga.

Bukod sa kaniya ay kilalang personalidad din ang kaniyang mister na si Hayden Kho, naging usap-usapan man ang maraming pagsubok na kanilang pinagdaanan ng mga nakalipas na taon ay napagtagumpayan nila ang mga ito at ngayon nga ay masaya na ang kanilang pamilya kasama ang kanilang anak na si Scarlet Belo Snow.


Kamakailan lamang ay talaga namang hinangaan ng mga netizen ang sorpresa ni Dra. Vicki Belo para sa kaniyang kabiyak na si Hayden Kho. Kung ipinagpatuloy ni Dra. Belo ang kaniyang pagdodoktor, mayroon namang ibang nakahiligan si Hayden Kho, ang “photography”. Kung saan nailalabas niya rin ang kaniyang pagiging malikhain at mga interes sa ganitong larangan.


Kung kaya naman nakaisip ng isang napakagandang ideya si Dra. Belo para sa kaarawan ng kaniyang asawa. Siya ay naghanda ng isang “photo exhibit museum” na kuha mismo ni Hayden Kho. Karamihan sa mga larawan na ito ay litrato ng kanilang anak na si Scarlet at misis niyang si Dra. Belo.


Naging matagumpay ang sorpresa na ito ni Dra. Belo dahil na rin sa tulong ng kani-kanilang mga kaibigan na hindi rin nila nakalimutan na pasalamatan sa kani-kanilang social media accounts. Labis naman ang kagalakan ni Hayden Kho sa sorpresa na kaniyang natanggap mula sa kaniyang misis.


Ayon pa sa ilang mga ulat, ang mga larawan na ito nina Dra. Belo at Scarlet ay maaari ding makita sa iba’t-ibang SM Supermalls. Nakakatuwang malaman na kasama nila ang isa’t-isa, ang kanilang pamilya at mga kaibigan sa pag-abot ng kani-kanilang mga pangarap.

Tunay ngang kay sarap maramdaman na mahalaga at importante ka rin sa mga tao na iyong minamahal. Isa ito sa maraming mga pagpapala na marapat lamang ay ipagpasalamat natin sa Diyos dahil hindi rin naman lahat ng tao ay pinagpala na magkaroon ng ganitong klase ng pamilya.



error: Content is protected !!