Sikreto ng mag-asawang Charlene Gonzales at Aga Muchlach sa kanilang matatag na pagsasama, kanilang ibinahagi!

Kamakailan nga lamang ay ipinagdiwang ng mag-asawang Ito pala ang sikreto ng mag-asawang Charlene Gonzales at Aga Muchlach ang ika-18 taon nilang pagsasama! Binati at inalala ng bawat isa ang kanilang anibersaryo sa pamamagitan ng pagpapalitan nila ng matatamis na mensahe sa kanilang mga social media accounts.


Ang dating beauty queen at aktres na su Charlene Gonzales ay nagbahagi ng kanilang wedding photo makalipas ang 18 taon. Nagpasalamat siya sa kaniyang butihing mister sa 18 taon nang kanilang pagmamahalan at matatag na pagsasamahan bilang mag-asawa.


Bukod sa matatamis na palitan ng mensahe para sa isa’t-isa ay nagbahagi rin sila ng kanilang sikreto sa kanilang matatag na pagsasamahan sa isang interview. Ayon sa mag-asawa, pagkagising pa lamang nila sa umaga, bukod sa pagkain ng almusal ay talagang nag-uusap silang mag-asawa ng kahit anong bagay o interes nila.


Para kay Charlene, ang madalas na pag-uusap ng mag-asawa at maayos na komunikasyon ay makakatulong ng malaki sa kanilang relasyon at sa pagpapatatag ng pundasyon nito para na rin sa kanilang pamilya.


Laking pasasalamat naman ng dating Matinee Idol na hindi na siya masyadong abala sa trabaho at mas mayroon na siyang nailalaan na oras para sa kaniyang pamilya. Masaya na siya sa pangilan-ngilang proyektong dumadating sa kaniya at talaga namang ikinagagalak niya at pinahahalagahan ang bawat oras niya kasama ang kaniyang asawa at mga anak.


Ikinasal ang dalawa noong ika-28 ng Mayo taong 2001 sa Baguio City at sila ay nabiyayaan ng kambal na anak na pinangalanan nilang Atasha at Andres. Tunay nga na ang kanilang pamilya ay inspirasyon para sa marami pang mga pamilyang Pilipino. Kahit gaano pa kadami ang iyong kaabalahan bilang isang empleyado o maybahay ay hindi rin natin dapat malimutan na ang komunikasyon at ang madalas na pakikipag-usap ay isa sa mga bagay na makakatutulong sa pagkakaroon ng matagal at matiwasay na pamumuhay.



Reply

error: Content is protected !!