Dalawang magsasaka nakatanggap ng $700 para sa kanilang nahukay ngunit pinagsisihan nila ito ng malaman nila kung magkano talaga ang halaga nito!



Sabi nila, ang pera daw ang ugat ng lahat ng kasamaan at tila napatotohanan nga ito ng isang probinsiya sa China na Si Chuan nang mayroong dalawang magsasaka na nakahukay ng isang napakalaking ugat at naibenta pa nila ito sa halagang $700.


Labis silang nagalak nang makatanggap ng ganito kalaking halaga, ngunit napagalaman nilang higit pa pala rito ang halaga ng kanilang nahukay. Nanlumo sila ng malaman na niloko pala sila ng naunang bumili sa kanila.




Ugat ng “Ginseng” ang isa sa pinakapopular na halamang gamot sa buong mundo. Sa katunayan ay napakami nitong ginagamit na mga sakit tulad na lamang ng Diabetes, Hypertension at marami pang iba.

Pinaniniwalaan din itong nakapagdaragdag ng enerhiya at nakakabawas ng stress. Nakakapagdulot din ito ng kapahingan dahil sa nakakarelaks talaga ito. Bukod pa rito ay malaki ang naitutulong nito sa “$exual dysfunction” ng mga kalalakihan.



Dahil sa napakaraming medisinal na gamit nito ay marami ang nagnanais na bumili ng ugat na ito kung kaya naman sadyang mataas talaga ang presyo nito. Ang isang pulgada nito kapag naibenta ay nagkakahalaga ng $300 hanggang $600.

Nang unang mahukay ito ng dalawang magsasaka ay napagplanuhan na nila na hatiin ito ay ibahagi sa kani-kanilang mga kamag-anak. Ngunit nang kumalat na nga ang balita tungkol sa nahukay nilang ugat ay agad itong binili ng isang negosyante sa halagang $700.


Dahil sa laki ng halaga na ito ay walang pag-aatubili nila itong ibinenta.

Napag-alaman ng mga magsasaka na ibinenta pala ito ng negosyante ng $7000 mula sa puhunan niyang $700 ng nabili niyang Ginseng mula sa kanila.



Napag-alaman din naman ito ng isang mayaman na nagnanais na mapasakanya ang napakalaking ugat ng Ginseng sa halagang $300,000.


Laking panlulumo na lamang ng dalawang magsasaka na ganito pala ang tunay na halaga ng kanilang nahukay. Aminado sila na pinagsisisihan nila ang pagkabulag nila sa salapi, kung natuto lamang sana silang magtanong at maghintay ay mas nakuha sana nila ang karapat-dapat sa kanila.




error: Content is protected !!