Isang mabuting Samaritano ang nagbigay ng grocery sa isang ama at anak nito na nakita niya sa labas ng convenient store



Madalas na nating naririnig ang mga kasabihan na mas mainam nang magbigay kaysa tumanggap. Tunay ngang nakakatuwa ang pakiramdam kapag ikaw ang nagbibigay kaysa sa ikaw ang tumatanggap. Hindi naman kailangang maging mayaman ka, mapera, para lamang magawa mo ang mga pagtulong sa iyong kapwa tao. Dahil sa simple at paraang kaya mo ay magiging biyaya na ang iyong pagtulong para sa ibang tao.



Tulad na lamang ng pagtulong na ginawa ng mabuting Samaritano na ito na naging usap-usapan pa sa social media na aakalain mong para siyang isang anghel na ipinadala ng kalangitan upang matulungan ang mag-ama na nangangailangan.


Ibinahagi nga ng isang Jheff Villalista Balayan ang kaniyang dahilan kung paanong tinulungan niya at binilhan ng ilang makakain at gatas ang isang ama at ang anak na ito sa labas ng isang convenient store. Sa kaniyang post ay ibinahagi niya ang simpatya na kaniyang naramdaman para sa isang batang babae kasama ang kaniyang ama na tila walang makain at nasa kawawang kalagayan.


Mapapansin na ang kawawang bata ay mayroong iniinom sa kaniyang bote ngunit hindi pala ito gatas kundi tubig lamang. Samantalang ang kasama namab ng paslit na ama ay mayroon lamang iisang tsinelas habang sila ay nasa isang sulok lamang at tila naghihintay ng pagpapala o tulong sa ibang tao. Binigyan ni Balayan ng gatas at kaunting grocery ang mag-ama. Labis namang ikinatuwa ni Balayan ang ngunit na isinukli sa kaniya ng paslit na tila sobra ring nagpapasalamat sa kaniyang pagtulong sa kanilang mag-ama.



Umani naman ng maraming mga komento at positibong reaksyon ang ginawang ito ni Balayan na talaga namang naging inspirasyon sa marami pang mga Pilipino.

Talaga namang nakakaawa ang kalagayan ng mag-ama, buti na lamang at mayroong isang lalaki na katulad ni Balayan na hindi nagdalawang isip na tumulong sa mag-ama na ito. Sana ay nasa mabuti silang kalagayan ngayon at mas matulungan pa ng ibang tao lalo na ang kaniyang ama na sana ay magkaroon ng maayos na hanapbuhay.






error: Content is protected !!