Isang mahusay na Pinoy imbentor ang nagagawang ‘Usable Fuel’ ang mga Plastik na basura



Isang Pinoy ang nagpamalas ng kanyang galing sa nakaka-mangha niyang paraan upang ang mga plastik na basura ay maging kapaki-pakinabang. Si Jaime Navaroo ay isang taga-Bacolor na naka-diskubre ng paraan upang maging isang uri ng ‘fuel’ ang mga basurang plastik. Taong 2012 ng natuklasan niya ang paraan na ito para maging gasolina ang mga basurang plastik.


Ang imbensyon niya ay napatunayan at nasubukan. Tinatawag na “Pyrolysis’ ang proseso kung saan ay nagiging ‘fuel’ ang mga plastik. Sa prosesong ito, pinapatuyo muna ang mga plastik, kinakailangan na pira-pirasuhin ng maliliit, at iniinit sa thermal chamber.




Ang mga natunaw na plastik ay napupunta sa pyrolysis chamber na gumagamit ng mababang oxygen para matunaw ang plastik. Ang mga natutunaw na plastik ay nagiging steam na pumupunta sa mga cooling pipes at dumadaan sa mga prosesong distillation at filtration upang maging distilled liquid.

Ang mga distilled liquid na nakokolekta ay katulad ng mga regular na fuel pero mas mababa ang nilalaman na sulfur. Bukod pa sa mas murang paraan ng paggawa ay napatunyan din na hindi ito nakaka-pahamak sa kapaligiran. Dahil sa proseso na ginagamitan ng vacuum, sa paggawa ng mga distilled liquids ay walang resultang chemicals ang napapakawalan sa kalikasan.



Ang imbentor na ito ay nagtatrabaho ss Poly-green Technology and Resources, Inc., na matatagpuan sa Payatas Quezon City. Alam ng marami na ang lugar na ito ay maraming basura, kaya nagagawang kolektahin ang mga plastik na basura na nakaka-gawa ng 1,600 litrong ‘fuel’ mula sa dalawang metrong toneladang plastik kada araw. Ang mga nakukuhang distilled liquids ay sinusubukan sa mga sasakyan ay mabuti naman ang nagiging resulta.

Dahil sa kagalingan ng research ni Navarro, siya ay nagwagi bilang “Outstanding Creative Research” isang kategorya ng DOST noong 2008. Sa tulong ng mga LGU at ng kumpanya ni Navarro, ninanais nilang magkaroon ng karagdagang lugar sa paggawa ng ganitong ‘fuel’. Napili nilang lugar ay sa Rizal at ilang mga probinsyang malapit sa Maynila.


Malaking tulong ito sa ating bansa. Kung sakaling masuportahan ito ng ating gobyerno, malaking tulong ito upang maging matipid at maging makalikasan, at ang mga problema sa plastik na basura ay mawala.




error: Content is protected !!