Isang manggagawa ng relo, naka-imbento ng bentilador na hindi kailangan ng baterya o kuryente

Sa mga nakalipas na mga araw, ramdam natin ang init ng panahon. Dahil sa sobrang init, karaniwan sa atin ay maghapong nagbubukas ng mga bentilador at aircon naman para sa iba. Dahil din dito ay tumataas din ang nagiging singil sa atin sa kuryente.

Pero may isang Pinoy na may nakaka-manghang imbensyon. Dahil ang kanyang bentilador ay hindi ginagamitan ng kuryente o baterya. Paano niya kaya ito nagawa? Kilalanin natin ang lalaking ito na maaaring susi na kaya upang mabawasan ang binabayaran sa kuryente.

Si Ramon Salva ay isang manggagawa ng relo. Siya ay may edad ng 69 at naka-tira sa Lucena City, Quezon. Si Mang Ramon ay kilalang magaling na mangagawa ng relo sa kanilang lugar. Sa katunayan ay 50 na tao ng hanap buhay ni Mang Ramon ito.

Mahirap man ang buhay at elementarya lamang ang natapos ni Mang Ramon, hindi siya tumigil mangarap upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya. Sa pagiging maalam sa mga relo, siya ay naka-gawa ng imbensyon na bentilador na hindi kinakailangan ng kuryente o baterya.

Matagal na ring ginagawa ni Mang Ramon ang kanyang imbensyon. Taong 1996 ng sinumulan niya ang kanyang imbensyon na tinawag niyang “Salfan”. Ito ay hango sa tatlong unang letra ng kanyang apelyido na ‘Sal’ at ‘Fan’ naman na galing sa Electric Fan. Nabuo ang idea ng paggawa ng ganitong klase ng bentilador dahil sa husay niya sa paggawa ng relo.

Hindi na nakuhang pagandahin pa ni Mang Ramon ang kanyang imbensyon dahil sa kakulangan sa pera. Ayon sa kanya ay imbis na sa imbensyon niya ilagay ang perang kinikita, mas mabuting ilaan para sa pamilya. Sampu ang anak ni Mang Ramon, naitataguyod naman niya ang kanyang pamilya sa kanyang trabaho sa pagiging manggagawa ng relo.

Laking pasasalamat na lamang niya ng nabigyan siya ng pagkakataon na makilala ang kanyang ‘Salfan’ sa programang ‘Rated K’. Dito ay ibinahagi niya kung paano niya nagawa ang kanyang imbensyon.

Tinulungan ng programa si Mang Ramon upang maipakita ang kanyang imbensyon sa Technology Application and Promotion Institute sa Department of Science and Technology. Pero marami pa lang proseso ang kinakailangan upang marehistro at makilala sa kanyang pangalan ang kanyang imbensyon.

Sana ay palarin ka Mang Ramon sa iyong imbensyon dahil tunay na mahusay ka at dalisay ang iyong hangarin sa buhay!



error: Content is protected !!