Isang Pinay na walang mga kamay naging kauna-unahang lisensyadong piloto!



Isa na ngang lisensyadong piloto si Jessica Cox, isang “armless Filipina” na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa napakaraming tao sa buong mundo. Ang pangarap niya noon na maging isang “Superwoman” ay naisakatuparan na niya. Siya ay tinanghal na isang “real-life Superwoman” dahil sa mga bagay na kaya niyang gawin sa kabila ng mga pisikal nitong kapansanan.



Isang “rare congenital disability” ang naging kapansanan ng Filipino-American na ito. Bukod pa dito ay madalas din siyang tampulan ng tukso noong kaniyang kabataan at maraming masasakit na mga salita ang sinasabi sa kaniya ng kaniyang mga kamag-aral.


Dahil dito ay naging magagalitin siya ay mayroong mababang pagtingin sa kaniyang sarili. Ito rin ang naging dahilan upang lumayo siya sa ibang mga tao ay mangarap siya bilang isang Superwoman, isang bayani na naglilipad sa mga tao sa kalawakan upang makita nila ang kalangitan.


Si Jessica ay mayroong ina na Pilipina habang Amerikano naman ang kaniyang ama. Tatlong taong gulang pa lamang siya ay binigyan na nila siya ng “prosthetic arms”. Hindi ito nagustuhan kailanman ni Jessica kung kaya naman huminto na siyang gumamit nito ng nasa ikawalong baitang na siya. Dahil dito ay tinuruan niya ang kaniyang sarili na gamitin ang kaniyang mga paa kapalit ng kawalan niya ng mga kamay.



Napaunlad niya ang kaniyang tiwala sa sarili ng isali siya ng kaniyang mga magulang sa isang “martial arts class” sa Taekwondo kung saan siya ay naging “double black belter.” Siya din ang naging kauna-unahang Guinness person na nakatanggap ng black belt sa American Taekwondo Association.

Sa dami na ng kaniyang mga naging tagumpay sa buhay ay nanatili pa rin siya sa pangangarap na siya ay magiging isang lisensyadong piloto balang araw. At natupad na nga niya ito. Siya ang kauna-unahan at katangi-tanging tao na walang kamay na naging isang lisensyadong piloto sa aviation history.



Ito na rin ang kaniyang ikalawang Guinness World Record. Hindi lamang siya sang lisensyadong piloto dahil isa rin siyang manlalangoy, mananayaw, gymnast, diver at surfer.




error: Content is protected !!