Babaeng nangongolekta dati ng basura, nagka-scholarship at mag-aaral sa isang Australian University



Dahil sa hirap ng buhay, may mga taong sa basura kinukuha ang kanilang pagkain sa pangaraw-araw. Mahirap kumita sa basura dahil sa baho ng amoy, dumi ng hinahawakan, at maaaring pagmulan ng sakit. Gayon pa man, pinipili ng iba ang ganitong trabaho upang kayanin ang buhay.


May mga pagkakataon din na may mga batang marunong ng mangalakal ng basura. Sa murang edad ay naghahalukay at naghahanap na sila ng mga bagay na pwede pang maibenta sa basura. Nakakalungkot man isipin ngunit ito ang realidad ng buhay.




Isang babaeng namumulot ng basura na si Sophy Ron ang isang halimbawa dito. Siya ay namumulot ng basura sa Phnom Penh sa Cambodia. Ginagawa niya ito upang makatulong sa pamilya upang may makain sa hapag-kainan.


Sa kabutihang palad ay nagbago ang buhay niya ng siya ay naligtas ng Cambodian Children’s Fund (CCF). Noong panahong iyon, si Sophy ay may edad na 11 ng nasuportahan siya ng CCF upang makapag-aral. Bagamat matagal siyang natigil sa pag-aaral, nakakabilib sa kanya ay nagawa niyang maka-habol ss mga kaklase niya at mas naging masipag sa pag-aaral. Sa katunayan ay matalino si Sophy sa pag-aaral.



Ilang taon pa ang nakalipas ng siya ay pinagpala muli dahil nakatanggap siga ng full scholarship upang makapag-kolehiyo sa kilalang Unibersidad sa Melbourne. Si Sophy din ay nakapag-tapos ng valedictorian sa Trinity College.

Sa kanyang graduation ay ibinahagi niya sa kanyang speech ang pasasalamat at ang kwento niya sa kanyang pinang-galingan.


Kahit na nagiging maganda na ang takobo ng buhay niya, hindi pa rin niya nakakalimutan ang kanyang pinagmulan. Binabalak niya na bumalik sa Cambodia upang makasama ang mga kaibigan at pamilya.


Pagpalain ka pa sana Sophy Ron sa iyong buhay. Ikaw ang isa sa mga simbolo ng pagasa.






error: Content is protected !!