Dr Willie Ong: “Electric Fan: Huwag itapat sa mukha baka magka-Bell’s Palsy at sore throat.”



Dahil sa matinding init na nararanasan, marami sa atin ang gumagamit ng electric fan. Minsan pa ay tinatapat natin ito sa ating katawan upang maibsan ang init na nararamdaman. Mayroon ding iba na hilig nilang itutok ang electric fan sa kanilang sarili sa pagtulog. Ginagamit din ng iba ito sa pagpapatuyo ng buhok kapag bagong ligo.


Pero alam niyo bang may masamang dulot ang pagtutok ng electric fan sa mukha?.



Ayon kay Dr. Willie Ong, na isang kilalang doktor at nakikita sa palabas na ‘Salamat Dok’ sa ABS-CBN. Ibinahagi niya ang makukuhang sakit kung mahilig ang isang tao na ibabad ang mukha sa tapat ng electric fan.

Ayon kay Dr. Willie Ong:
“Electric Fan: Huwag itapat sa mukha baka magka-Bell’s Palsy at sore throat.”



Bagamat natalo siya sa pagtakbo bilang isang senador ng bansa, patuloy pa rin ang kanyang pagtulong sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman sa pagiwas sa mga karamdaman at pagpapanatili ng kalusugan.


Ang Bell’s Palsy ay isang sakit na nakukuha sa mikrobyo na nakukuha. Ito ay nagdudulat ng ‘facial paralysis’ o hindi mai-galaw ang mukha. Ang karaniwang itsura nito ay naka-ngiwi. Tumatagal ng anim na buwan ang tantsya sa pagpapagaling nito.


Idinagdag pa ni Dr. Willie Ong:
“Hindi alam nang marami na puwedeng maparalisa ang mukha sa paggamit ng electric fan. Kapag natulog kang nakatapat sa electric fan, puwede kang magkaroon ng Bell’s Palsy. Ito ’yung ngumingiwi ang isang parte ng mukha,”

Bukod pa dito ay magkakaroon naman ng sore throat ang isang tao kung nakatapat din sa mukha ang electric fan lalo na kung siya ay naka-ngaga. Ang pagtulak ng hangin na may dalang mga mikrobyo papunta sa bunganga ang nagiging dahilan ng pananakit ng lalamunan. Nagbigay din ng payo si Dr. Ong na gumamit ng kulambo at pa-ikutin na lamang ang electric fan.  Mas mainam din kung palaging nililinis ang mga elctric fan lalo na kung madumi na ito upang maka-bawas ng dumi na nalalanghap.