“Hands-free bubble tea challenge” patok na patok ngayon sa publiko!



Tunay ngang hindi na mapipigilan ang napakaraming mga online challenges sa social media ngayon. Tulad na lamang ng “Ice Bucket Challenge”, “Buwan Cover Challenge”, “Chubby Bunny Challenge”, at “Switch It Up Challenge”.


Ngunit kamakailan lamang ay mayroon na namang usap-usapan at patok na patok na online challenge. At ito ay ang “Hands-free Bubble Tea Challenge” o ang “Tapioca Challenge”. Ang rule sa challenge na ito ay ang magawa mong mabalanse ang baso ng milktea sa gitna ng iyong dibdib habang ito ay iniinom.




Kalimitang gumagawa ng challenge na ito ang mga kababaihan na mayroong malaking “hinaharap”. Nauna na itong makilala sa bansang Japan matapos nitong magtrend sa Twitter, #TawawaChallenge. Isang Japanese na modelo nga ang gumawa ng Handsfree Bubble Tea Challenge na lalong nagpasikat sa challenge na ito online.


Dahil dito ay marami pang mga netizen na sumubok ng challenge at kani-kaniya rin sila ng mga bersyon. Ang ilan nga ay mga Japanese habang ang iba naman ay mga anime na kanila ring ginuhit. Tamang-tama naman ang challenge na ito dahil sa kasalukuyang pagsikat at pagiging popular ng inumin na ito sa ating bansa.


Maraming mga Pilipino ngayon ang nahuhumaling sa sugary drink na ito at hindi nila alintana ang mahabang pila o ang ilang oras na paghihintay para lamang makabili ng ganitong uri ng inumin.

Dahil sa pagiging popular ng challenge na ito ay sinubukan din ito ng ilan nating mga kababayan ngunit marami sa kanila ang nagsabing sinubukan nila na gawin ang challenge ngunit nabigo lamang sila at nabasa ang kanilang mga damit. Mayroon din namang nagsabi na hindi naman talaga masarap ang milktea, sadyang uso lang talaga ito kung kaya marami ang nahuhumaling at nagnanais na sumubok nito.



Sa dami na ng mga nauuso na online challenge ngayon, ano naman kaya ang susunod na papatok na online challenge?




error: Content is protected !!