Isang Gradfood Rider ang niloko at pinagtripan ng kaniyang customer kung kaya pinagsaluhan na lamang nila ng kapwa niya mga Rider ang inorder nito na pagkain!



Tunay ngang napakarami nang kamangha-manghang bagay sa ating panahon ngayon, yung mga bagay na imposible noon ay posible na ngayon. Kung dati ay walang telepono o cellphone, ngayon ay mayroon nang ganitong mga uri ng modernong gadget na malaki ang naitutulong sa maraming mga pamilyang Pilipino ngayon.



Ang social media ay isa din naman sa mga pinakamalaki ang naitutulong sa ating lahat, hindi lamang sa ating pakikipag-usap sa ating mga malalayong mahal sa buhay ngunit maging sa ilang mga negosyo na rin na patok na patok online. Kung dati rati ay kinakailangan mo pang maglaan ng oras para makapamili ng mga gamit sa bahay, ngayon ay mas pinadali na ito at mas kombinyente na din online. Kahit nga ang ilang mga paboritong pagkain natin ay maaari mo ring orderin o ipadeliver.

Ang GrabFood ay isang kilalang app na kinagigiliwan ngayon ng marami dahil sa kombinyente at napakadaling pag-order dito ng mga pagkain. Kilala tayong mga Pilipino bilang masayahing tao, ngunit mas kilala din naman tayo sa mga masasarap na pagkain at literal na masarap nating pagkain ng mga ito.


Hindi na nakapagtataka na marami ang tumatangkilik sa GrabFood. Nakakalungkot nga lamang isipin na mayroon pa ring mga tao na hindi gumagawa ng mabuti sa kanilang kapwa tao. Kamakailan lamang ay marami ang nagalit at nainis sa ginawa ng isang customer sa GrabFood rider na ito.

Siya ay nakilala bilang si Jann Ashley Gabad na wala nang nagawa nang magkansela ng orders ang kaniyang customer at kinain na lamang nila ang pizza at pinaghati-hatian ang bayarin dito. Ito ay umani na ng 23,667 shares, 37 libo na reactions, at samu’t-saring mga komento mula sa mga netizens.


Maraming netizen din ang nagalit at hindi na naiwasang pagsalitaan ang mga ganung uri ng customer na oorder pagkatapos ay hindi na maaawa sa delivery man at basta basta na lamang pagtitripan.