May ‘forever’ sa ML! Naglaro, nagka-lovelife! ‘Engaged’ na!



Isa sa pinaka-sikat na nilalaro ngayon ay ang Mobile Legends Bang Bang. Ito ay isang online game sa mga smart phones na talagang nilalaro ng maraming tao sa mundo. Tinatawag ang ganitong klaseng laro na Multiplayer Online Battle Arena (MOBA). Sa paglalaro nito ay may tiyansa kang maka-kilala ng bagong kaibigan dahil ang susi upang manalo sa larong ito ay pagtutulungan.


Pero para kay Lou Dela Serna, hindi lamang siya naka-kilala ng kaibigan bagkus nakilala niya ang kanyang mapapangasawa. Isang kilalang kupunan sa MLBB ang BREN Esports. Ang mga kilalang miyembro dito ay sina Coco, Ribo, Haze, Yuji, at ang kanilang team captain na si Pein.




Dahil sa paglalaro ng Mobile Legends, nagkakilala si Lou at si Renz Reyes (Pein). Kamakailan lamang ay napabalitaang nag-alok na ng kasal si Pein sa kanyang pinaka-mamahal na si Lou. Ibinahagi ni Lou ang proposal ni Renz sa kanya na may panimula na: “Nag-ML. Nagka-love life. Ikakasal. I said ‘yes’!”.


Makikita sa larawan na inayos ang kwarto at may mga ‘letterings’ sa pader na nakalagay ay “WILL YOU MARRY ME”. Hindi lubos akalain ni Lou na magpopropose na si Renz sa kanyang kaarawan. Nagulat na lamang siya ng siya ay pinapunta sa kwarto at nakitang may hawak na bulaklak si Renz at niyakap. Dito pa lamang niya nakita ang mga salitang naka-dikit sa pader.


Pinatunayan ni Lou na sa ML ay maaring makilala mo ang tamang tao para sa iyo. Sabi niya: “Sa dami ng narinig at na-witness kong fa!led relationship na naganap sa ML. Ito yung masasabi kong naging proof na hindi lahat ganon. Sino ba naman mageexpect na sa kaka-ML ko ay do’n ko din makikilala ‘yong forever ko?”



Ibinahagi rin ni Lou ang pinagdaanan nilang pagsubok pero napagtagumpayan nilang lahat ito: “Hindi maganda ang simula ng relasyon namin pero…nagtake kami ng risk para rito at ngayon, masasabi ko talaga na worth it lahat ng sinuko namin para magkasama. It made me realize that what I have right now is much better than what I have before,”



Napaka-tamis ng kanilang pagmamahalan. Ito lamang ay pagpapatunay na sa mga hindi inaaasahang paraan natin nakikilala ang ating ‘forever’. Ito ang dalangin ni Lou sa Diyos, ang taong mamahalin niya habang buhay. Ito ang sinabi ni Lou kay Renz: “Love, thank you kasi ikaw na ikaw yung taong hinihiling ko kay God. I’ve been waiting patiently. Now He gave me you. I love you so much!”




error: Content is protected !!