Kinagiliwan ng publiko ang mga larawan ni Scarlet Snow Belo kasama ang kambal na anak nina Mar Roxas at Korina Sanchez!



Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang humanga sa mga kilalang personalidad na napapanuod natin sa telebisyon o sa mga pelikula. Hinahangaan natin ang maraming mga kilalang personalidad na ito dahil sa kanilang husay at galing sa kanilang larangan at sa kanilang nakakamanghang mga karakter. Maging ang mga anak ng mga artistang ito ay labis na ring kinagigiliwan ng marami sa atin.


Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan ang pagdalaw ng anak nina Hayden Kho at Dra. Vicki Belo na si Scarlet Snow-Belo sa kambal nina Mar Roxas at Korina Sanchez na sina Pepe at Pilar. Ang kanilang mga larawan ay naging viral sa social media.



Sa opisyal na social media account ng batikan na host na si Korina Sanchez na umani ng higit sa 23,976 likes ang ibinahagi niyang larawan ng cute na cute nilang bisita. Ang nasabing post ay mayroong caption na “Scarlet Snow Meets Pepe En Pilar”.



Kasama nina Dra. Vicki Belo ang kaniyang anak na si Cristalle Henares-Pitt at Scarlet Snow. Ang mga larawan na ito ay labis na kinagiliwan ng mga netizen. Marami ang natuwa na ang bibong bata na si Scarlet ay mahilig din sa mga cute na sanggol.


Sa kabilang banda ay nagbahagi din naman ng ilang larawan si Dra. Vicki sa naging pagdalawa nila kina Pepe at Pilar. Umani din naman ito ng 33,673 na mga likes online. Ilan sa mga netizen ay nagkomento na napakacute at nakakatuwang tingnan ng mga batang ito.



Tunay ngang ang mga bata o sanggol ay nagbibigay ng sobra sobrang kaligayahan at liwanag sa bawat tahanan. Sila ang mga hindi matatawarang biyaya ng Diyos para sa kanilang mga magulang. Bagamat hindi madali ang maging isang ina o isang ama sa ating mga anak ay isa pa rin ito sa pinakamasarap na pakiramdam na iyong mararanasan sa iyong buhay.




error: Content is protected !!