Makisig Morales, ikinasal na sa kaniyang Filipina-Australian girlfriend na si Nicole Joson!



Sabi nila ang kasal daw ay isa sa mga mabigat at mahalagang desisyon na ginagawa natin sa ating buhay. Maaaring maging mahirap ito sa umpisa ngunit kalaunan ay nagiging maayos din naman ang pagsasama na ito. Sabi ng marami, ang kasal o pag-aasawa ay hindi lang parang isang mainit na kanin na kapag isinubo mo ay madali mong mailuluwa kapag napaso o nasaktan ka.


Ang pag-aasawa ay hindi kasing dali gaya ng inisiip ng marami sa atin. Dahil ito ay malaking responsibilidad at hamon sa dalawang tao na nagmamahalan. Bagamat hindi ito ganoon kadali ay naroon pa rin ang saya at kagalakan lalo na sa mga bagong mga bagay na iyong matutunan sa panibagong yugto na ito ng buhay.




Kung kaya naman marami ang nagalak nang malaman na kasal na ang dating child star na si Makisig Morales sa kaniyang nobya na si Nicole Joson. Ang kanilang kasal ay ginanap sa isang beach sa La Perouse, Sydney. Matatandaang Setyembre noong nagdaang taon nang mabalitaan ng publiko ang wedding proposal ni Makisig sa kaniyang beauty queen na nobya sa kani-kanilang social media account.


Ang nasabing proposal ay naganap sa isang fine dining restaurant sa Perth, Australia habang sila ay naghahapunan. Ang nasabing restawran ay umiikot ang isang buong palapag kung saan matatanaw mo ang buong Perth at talaga namang napakaromantiko at nakaespesyal ng lugar.



Si Makisig Morales ay naging kalahok ng Duet Bulilit sa edad na limang taon. Ang Duet Bulilit ay isang singing segment sa MTB na isang noon-time variety show sa ABS-CBN kasama ang kapatid niyang si Mayumi. Lumahok din sila ng kaniyang kapatid na si Mayumi sa “Little Big Star” na isang singing contest pa rin sa nasabing network. Siya ay kapatid rin ng aktor na si Maliksi Morales. Tunay ngang kaysarap sa pakiramdam na ikaw ay maikasal sa taong mahal mo at mahal ka.




error: Content is protected !!