Mga maaaring pagalingin at paggamitan ng Listerine alamin!



Hindi mo aakalain na ang kilala nating mouth wash na Listerine ay mayroon din pa lang napakaraming gamit, ito ang ilan sa mga maaari pa nitong pagalingin at paggamitan:


1. Ang Listerine ay maaari din pa lang gamitin para sa mabahong paa. Mayroong mga “components” ang Listerine na maaaring makapagbawas ng pagpapawis ng ating mga paa. Maaaring subukan ito sa pamamagitan ng paghalo nito sa maligamgam na tubig at pagbabad dito sa loob ng 20 minuto.




2. Ang Listerine ay maaari din pa lang gamitin sa pag-alis ng mga “fungus” sa kuko ng ating mga paa. Paghaluin lamang ang maligamgam na tubig at Listerine at ibabad dito ang mga paa sa loob ng 20 minuto.


3. Maaari din namang ipahid ang Listerine sa paltos sa paa tatlong beses sa loob ng isang araw hanggang sa tuluyan nang mawala ang masakit na paltos sa iyong mga paa.


4. Nakakatanggal din ito ng mga mikrobyong dulot ng ubo at sipon. Dahil sa nakakairitang mga mikrobyo sa iyong lalamunan ay nagkakaroon ka ng ubo at sipon. Magmumog lamang ng Listerine dalawang beses sa isang araw upang mabawasan ang ubo at sipon.


5. Maaari ding ipahid sa acne ng iyong mukha ang Listerine at maaaring kinabukasan ay mawala na ito.



6. Pwede mo rin itong gamitin bilang solusyon sa iyong problema sa kuto. Ibabad mo lamang ang iyong buhok sa Listerine at sa suka sa loob ng isang araw at saka ito banlawan ng maayos.


7. Kung balakubak naman ang iyong problema ay maaari mo ring gamitin ang Listerine na pangbabad sa iyong buhok upang tuluyan nang mawala ang makulit at pabalik-balik mong balakubak.



8. Maging ang mabahong kili-kili ay maaari ding solusyunan sa pamamagitan ng pagpapahid ng Listerine dito. Hindi ka na muling mahihiya na itaas ang iyong kamay kung mayroong ibang tao sa paligid.