Pag-inom ng maligamgam na tubig, maramaming magagandang benepisyo sa katawan

Nakasanayan na ng maraming tao ang uminom ng kape tuwing umaga. Ito ay karaniwang naiisip nila upang magising ang kanilang diwa sa panimula ng kanilang araw. May iba naman ay hilig ay mainit na gatas o tsokolate. Pero alam niyo bang may epekto ang paginom nito sa ating katawan na maaring magdulot ng pagiging ‘acidic’. Kaya mas mainam pa rin ang uminom ng tubig muna bago maglagay ng kahit ano sa ating katawan.


May ibang tao din na umiinom ng tubig tuwing umaga. Pero ang iniinom nila ay malamig na tubig. Pero alam niyo bang mas mainam ang uminom ng maligamgam na tubig? Sa ganitong paraan ay matutulungan nitong malabas ang mga toxins sa katawan at mapapaganda ang sirkulasyon ng katawan.

Upang mas mahikayat ang maraming tao upang ugaliin ang pag-inom ng maligamgam na tubig. Ito ang ilan sa mga benepisyo na makukuha sa paginom ng maligamgam na tubig. Nakakatulong ang paginom ng maligamgam na tubig upang matunaw ang pagkain.

Kapag tayo ay kumakain, madalas na iniinom natin ay malalamig na inumin. Pero alam niyo bang mas mabuti ang uminom ng maligamgam na tubig upang matunaw ang mga kinain. Dahil ginagawa ng malamig na tubig sa katawan ay pinapatigas ang mga oil na nakain natin lalo na ang mga matatabang pagkain. Ang paginom ng maligamgam na tubig ay nakakatulong sa pananakit ng tiyan at napapaginhawa ang mga pananakit sa katawan.

Kapag busog, mas mainam ang paginom ng maligamgam na tubig upang maiwasan ang pagiging bloated. Mas mabisa ang paginom ng maligamgam na tubig upang maitulak at matunaw ang kinain. Isa din ang maligamgam na tubig sa mabisang gamot sa pananakit ng tiyan lalo na kung nakakaramdam ng ‘constipation’. Maiiwasan ito kung umiinom ng maligamgam na tubig kada-umaga upang mapaganda ang ‘digestion’.

Nakakatulong din ang paginom ng maligamgam na tubig kapag nakakaramdam ng pananakit ng katawan. Nagagawa nitong pakalmahin ang mga muscle upang hindi mamaga.


Bukod pa sa mga nasabing magagandang dulot, nagagawa rin nitong pagandahin ang pangangatawan lalo na ang balat. Kaya’t ugaliin uminom ng maligamgam na tubig upang ang mga magagandang benepisyo nito ay maramdaman.



error: Content is protected !!