Tongli ang Ukelele Boy’, hindi na sa lansangan tumutugtog!



Naaalala niyo pa ba ang batang tumutugtog ng Ukelele sa Cebu? Ang pagtugtog niya ng Ukelele ay naging viral dahil sa murang edad ay mayroon ng talento ang batang ito. Sa pamamagitan ng pagtugtog ng Ukelele, nagagawa ng batang ito magkaroon ng pera para sa kanyang pag-aaral at maka-tulong na rin sa pamilya.



Nakaraang Marso ay ibinahagi sa Facebook ni TJ Clemente ang video ni Jonlie Cabradilla sa magaling na pagtugtog ng Ukelele. Si Jonlie na may palayaw na ‘Tongli’ ay nakatira sa Talisay City. Dahil sa na-upload na video, nagbago ang buhay ng batang ito. Ang galing niya sa pagtugtog ng Ukelele nagkaroon siya ng pagkakataon na tumugtog sa ASAP. Nagkaroon din siya ng pagkakataon na makita ang mga sikat na Artista sa ASAP.

Kakarampot man ang kinikita ng kanyang mga magulang, hindi naging hadlang ito upang gumawa ng paraan si Tongli upang makatulong sa pamilya. Ang kanyang ina ay isang labandera at ang kanyang ama naman ay isang Habal-habal drayber. Si Tongli ay pangalawa sa magkakapatid. Pero nakaka-mangha ang kanyang layunin upang makatulong sa pamilya sa murang edad.




Napabalitaan na hindi na sa kalsada rumaraket si Tongli. Hindi na siya makikita sa Cebu City ngayon dahil naging resident musician na siya ng Yap-Sandiego Ancestral House.

Ayon sa nanay ni Tongli, pinatigil na nila si Tongli sa pagtugtog sa lansangan at baka may mga taong manamantala sa kanya. Lalo pa at marami na ang nakaka-kilala sa kanya dahil sa viral video niya.

Sa kabutihang palad ay tumutugtog si Tongli aa Yap-Sandiego Ancestral House. Grade-4 ngayon at 12-anyos si Tongli, upang magkaroon ng kita ay tumutugtog siya sa lugar na iyon tuwing Sabado at Linggo sa oras na alas-otso ng umaga hanggang alas-kwatro ng hapon.

Nakilala ng Yap-Sandiego Ancestral House si Tongli sa pamamagitan ng pinsan niya na nagtitinda ng ibon sa lugar na iyon. Ipinakilala si Tongli at nagustuhan ang pagtugtog ng bata.

Nakakatuwa at ligtas at maayos ang pinagkaka-kitaan ni Tongli. Saludo kami sayo dahil ang talento mo ay ginagamit mo sa kabutihan. Nawa’y pagpalain ka pa Tongli!




error: Content is protected !!