Hinangaan ng marami ang pamilya na ito na nagtayo ng sarili nilang sinehan sa loob mismo ng kanilang tahanan!



Para sa maraming mga tao, ang panunuod ng mga pelikula at palabas ay isang mabisa na “stress-reliever” at “entertainment”. Ngunit aminin man natin o hindi ay marami sa atin ang tila nahihirapan pa rin na magtungo sa mga sinehan upang manuod ng mga pinakabagong pelikula dahil sa kakulangan sa oras, panahon o salapi.


Kung kaya naman sa halip na gumastos pa ng pera ay mas pipiliin na lamang ng marami na mag-download ng mga pelikula online. Bukod sa wala itong bayad ay maaari mo pang mapanuod ang nais mong palabas o pelikula kahit anong oras mo gustuhin.




Ngunit isang pamilya ang naging usap-usapan sa social media dahil sa kakaiba nitong diskarte. Dahil literal silang nagtayo ng isang “home theater” sa kanilang tahanan, upang mapanuod nila ang mga gusto nilang pelikula kailan man nila gustuhin. Bagamat hindi ito kasing laki ng mga sinehan sa mga mall na pinupuntahan natin ay mararamdaman mo pa din naman ang “ambiance” ng isang sinehan.


Una na nilang pininturahan ang dingding at kisame ng kanilang kwarto ng kulay itim. Ang ginamit nila na pintura ay “non-glossy”, “flat”, “non-glare”. Pagkatapos nito ay gumawa na sila ng “platform” para sa “elevation” ng mga upuan. At saka nila inilagay ang flat-screeb HD TV nila sa dingding. Dinagdagan pa nila ito ng mga itim na kurtina upang iwas distraksyon sa mga manunuod sa kanilang “home theater”. Mayroon din itong “concession snack stand” na kumpleto ng popcorn at mga inumin.



Talaga namang nakamamangha ang pamilyang ito na gumawa ng sarili nilang sinehan sa loob ng kanilang tahanan. Tunay ngang hindi mo na kakailanganin pa ng malaking bahay o malaking kwarto o di kaya naman ay malaking pera upang makapagtayo ng isang sinehan sa loob ng iyong tahanan na magdadala ng kasiyahan at kagalakan sa iyong mga mahal sa buhay.


Matitiyak mo pa ang pagiging komportable at kaligtasan ng iyong mga mahal sa buhay, mas praktikal pa at tiyak na mas makakatipid tayo sa pang matagalan na paggamit natin ng sarili nating sinehan.




error: Content is protected !!