Isang Canadian ang iniwan ng misis niyang Pilipina para sa isang lesbian na kinikikilan pa siya!



Ang pag-aasawa ay isang napakalaki at napakabigat na desisyon para sa isang lalaki at sa isang babae na nagmamahalan. Maaaring isa ito sa pinakamasayang araw ng kanilang buhay ngunit marami pa rin ang mga pagbabago na dapat gawin at isaalang-alang tungkol sa pag-aasawa.



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang kwento ng Canadian na ito at ng kaniyang misis na diumano ay ipinapagpalit siya sa isang lesbian na kinikikilan pa siya diumano. Siya ay nakilala bilang si William Brown na 71 taong gulang na Canadian citizen. Lumapit siya sa popular na programa ni Raffy Tulfo kasama ang kaniyang biyenan.

Ang asawa niya na si Kathlyn Brown ay bigla na lamang nawala sa hotel na kanilanh tinutuluyan at hindi na muli pang bumalik. Inakala din ng mister na gagamitin lamang ng kaniyang misis ang kaniyang cellphone upang kumuha ng mga larawan ngunit tatanggalin at buburahin pala ng Pilipina niyang misis ang lahat ng maaari niyang maging koneksyon dito.




Lumapit si William sa programa ni Raffy Tulfo at nanawagan na sana ay umuwi na ang kaniyang asawa. Nang makausap naman ng programa ang misis na Pilipina ay sinabi nitong ayaw na niyang bumalik sa kaniyang mister dahil sa gulo ng kanilang pamilya. Nangako noon si Kathlyn na siya ang mag-aalaga sa kaniyang mister at sasama siya rito sa Canada kung kaya naman lahat ng lambing at paghingi nito ng pera ay laging pinagbibigyan ng mister. Nangako ang dalawa na muling maghaharap sa nasabing programa.

Marami din namang mga netizen ang nainis at nagalit sa ginawang ito ng Pilipina na nagiging dahilan upang magalit at husgahan tayong mga Pilipino ng marami pang mga banyaga.

Talaga namang nakakagalit, nakakainis, at nakakainsultong malaman na mayroong mga ganitong uri ng tao na bigla na lamang mang-iiwan at sasama sa iba matapos nilang makuha ang mga bagay na ninanais nila sa taong nagmamahal, nagmamalasakit at umaasa sa kanila.




error: Content is protected !!