Sila ang mag-kasintahan na nanirahan sa loob ng alkantarilya ‘sewer’ sa loob ng 22 na taon



Mapapalad ang mga taong mayroong maayos na bahay dahil hindi lahat ng tao ay nagkakaroon nito. Ang kahirapan ang madalas na dahilan kung bakit maraming tao sa mundo ang naninirahan sa lansangan at palaboy-laboy lang.


Ang iba ay nakukuhang matulog na lamang sa mga bangketa, tulay, at mga may bubong na pwedeng latagan ng karton upang higaan. May mga iba na nandidiring lumapit sa mga taong ito pero ganito ba dapat talaga ang pakiki-tungo sa kanila. Isipin na lamang kung ikaw ang nasa posisyon nila. Malamang ay mararamdaman ang hirap na dinaranas nila araw-araw.




Katulad na lamang ng mag-kasintahang ito na piniling manirahan sa isang alkantarilya o “sewer” sa loob ng 22 na taon. Marami ang hindi maka-paniwala dahil sa tagal ng inilagi nila sa lugar na ito. Ang dalawang magkasintahan ay sina Maria Garcia at Miguel Restrepo. Kung pagmamasdan mabuti ang ginawa nilang tirahan ay maaaring maawa ka sa naging kalagayan nila.


Nagsisilbing pinto at bintana ang bilog na butas ng kanilang tinatawag na tahanan. Isang maliit na inayos na parang kwarto na may higaan at may mga kaunting kasangkapan. Kahit papaano ay nagkaroon sila ng kuryente upang maka-gamit ng electric fan at telebisyon. Pero kung mamasdan mabuti ang lugar tila ba mainit at marumi pa rin ito.



Nagsimulang masira ang buhay nila ng sila ay malulong sa droga. Sila ay magkakilala na sa Medellin, Colombia at masasabing naging kilala ang kanilang mga pangalan dahil sa pagtutulak at pag-gamit nito. Dahil hindi naging maganda ang pinili nilang buhay noon, sila ay nagbago. At sa pagbabagong ito ay nagsimula sa pagtira sa nakita nilang pwedeng maging tahanan.

Ang mga pangyayari sa buhay nila ang naging dahilan kaya hindi sila maka-kuha ng tulong sa mga kamag-anak. Kaya naging sandigan na lamang nila ang isa’t-isa. Sila rin ay nagkaroon ng alagang aso na nagsisilbing bantay ng kanilang tahanan. Pinangalanan nila itong “Blackie”.



Maliit man o marumi ang kanilang tinitirahan, kinaya nilang tumagal ng 22 taon. Sadyang puno ng pagsubok ang buhay para sa ilan, nagkakamali, pero dapat lamang na matuto sa pagkakamali at kayanin ang buhay. Dahil ang buhay ay isang biyaya.




error: Content is protected !!