Ito ang mga naging ‘Awards’ ni Eddie Garcia sa kanyang mga naging Pelikula at sa Telebisyon



Kung usapang kontrabida o bida, isa sa mga magagaling na aktor natin ay si Eddie Garcia. Simula pa noon ay maraming manunuod na ang napamangha sa husay at galing niya sa pag-arte sa pelikula man o sa telebisyon. Pero ngayong wala na siya, ating alalahanin ang ‘Manoy’ na kina-aliwan ng maraming Pinoy!



Si Eddie Garcia ay ipinanganak noong ika-2 ng Mayo taong 1929. Siya ay isang magaling na aktor, direktor, at prodyuser. Unang sumikat si Eddie Garcia sa pagiging extra sa mga pelikula. Dahil nakitaan siya ng potensyal, siya ay sumikat bilang kontrabida. Napaka-dami niyang kayang gawin sa pagiging artista. Kaya niya rin ang mag ‘bakla-baklaan’ sa mga role at isang napaka-husay na komedyante.


Ang galing Sorsogon na si Eduardo Verchez Garcia ay nanilbihan sa military noong World VVar II sa Okinawa, Japan. Matapos ang kanyang military service ay pinasok niya ang mundo ng showbiz. Dahil sa angking galing na ipinamalas niya, binansagan siyang “Oragon” at “Manoy”.


Mahigit 600 na pelikula at mga palabas ang napabilangan niya. Nakilala si Manoy sa una niyang pelikula na “Siete Infantes de Lara” noong 1949. Ito ang naging simula hanggang sa dumami pa ang mga naging pelikula. Kilala din si Eddie Garcia sa mga magagaling niyang ‘adlib’ o mga salitang hindi naman nakalagay sa script.



Ang mga banat ni Eddie Garcia ang isa sa mga dahilan kung bakit marami ang tumatangkilik sa kanyang palabas. Isa sa mga sikat niyang kataga ay ang “Marami Ka Pang Bigas Na Kakainin” na sinabi niya kay Fernado Poe Jr sa isang pelikula. Nakakatuwa ding isipin na dahil sa galing niya sa industriya ng showbiz, naging bida siya sa mga palabas na ang ilan sa mga kontrabida niya ay mga dating bida na siya ang kontrabida.

Tunay na isang magaling na aktor si Eddie Garcia. Pero ang mas nakaka-bilib sa kanya ay ang kanyang dedikasyon sa trabaho. Kahit matanda na siya ay mas pinili niya ang maging artista pa rin.

Ayon sa isang panayam sa kanya:
“Retirement? No! What would I do? I’ll just get bored, I’ll just be in the industry as long as it needs me. Manood kayo, hindi kayo magsisisi,”



Ang talentong ibinahagi mo Manoy ay hindi makakalimutan ng mga Pinoy!

Ito naman ang mga naging ‘awards’ ni Eddie Garcia sa kanyang pagiging artista:
ML (2018)

FAMAS Awards Outstanding Performance by an Actor in a Leading Role, FAMAS Awards 2019 Outstanding Performance by an Actor in a Leading Role, Gawad Urian Awards 2019 Best Actor, Cinemalaya Independent Film Festival 2018 Best Actor, Gawad Urian Awards 2019 Best Actor nominee, Rainbow’s Sunset (2018), MMFF 2018 Best Picture, Star Awards 2019 Best Actor nominee, Bwakaw (2012), Golden Screen Awards 2013 Best Motion Picture (Drama), Asian Film Awards 2013 Best Actor for Asian Film Award and Favorite Actor for People’s Choice Award, Golden Screen Award 2013 Best Performance by an Actor in a Leading Role (Drama), Asia-Pacific Film Festival 2012 Best Actor, Cinemlaya Independent Film Festival 2012 Best Actor, Film Academy of the Philippines Awards 2013 Best Actor nominee, Star Awards for Movies 2013 Best Actor nominee, Gawad Urian Awards 2013 Best Actor nominee, Fuschia (2009), Golden Screen Awards 2009 Best Motion Picture (Musical or Comedy), Golden Screen Awards 2009 Best Performance by an Actor in a Lead Role (Musical or Comedy), Abakada… Ina (2001), FAMAS Awards 2002 Best Director, FAMAS Awards 2002 Lifetime Achievement Award, Bakit May Kahapon Pa? (1996), FAMAS Awards 1997 Best Actor, Gawad Urian Awards 1997 Best Actor nominee, Star Awards for Movies 1997 Actor of the Year nominee, Imortal (1989), FAMAS Awards 1988 Best Director, Metro Manila Film Festival 1989 Best Film, Saan Nagtatago ang Pag-Ibig? (1987), Star Awards: 1988 Movie of the Year, FAMAS Awards 1988 Best Director, Magdusa ka! (1986), FAMAS Awards 1987 Best Director, Film Academy of the Philippines 1987 Best Director, Sinasamba Kita (1982), Film Academy of the Philippines Awards 1983 Best Story Adaptation, Atsay (1979), Metro Manila Film Festival 1978 Best Film, Metro Manila Film Festival 1978 Best Director, FAMAS Awards 1979 Best Director nominee, Gawad Urian Awards 1979 Best Director nominee, Pinagbuklod ng Langit (1969), FAMAS Awards 1970 Best Picture, FAMAS Awards 1970 Best Director




error: Content is protected !!