Ito ang naging paghaharap ng nagreklamong Canadian sa kanyang asawang Pinay na sumama sa isang ‘lesbian’



Mayroong mga Pinay na naghahangad ng mabilisang pag-ginhawa sa buhay. Kaya minsan ay naiisipan nilang mag-asawa ng mayamang ‘foreigner’ upang hindi maghirap. Ito ang nagiging solusyon nila upang makatakas sa problema sa pera at upang guminhawa sa buhay. Kumbaga, papatulan na lang kahit sino basta mayaman. Alam nating mali ito, pero ito ang realidad ng buhay.



Isang Canadian ang dumulog sa tanggapan ni Raffy Tulfo upang ireklamo ang kanyang napangasawang Pinay. Si William Brown ay nakapangasawa ng Pinay na nagngangalang Kathlyn. Nakilala nila ang isa’t isa sa ‘chat’ at ito ang naging dahilan upang puntahan siya ni William sa Pinas.


Sa unang pagbisita nila kay Raffy Tulfo, sinabi ni William na ang kanyang napangasawa ay isang ‘scammer’. Sa madaling sabi, pera lang ang habol sa kanya. Ang sabi ni William ay kinukulit na siya ni Kathlyn na pumunta ng bansa ng nakaraang pasko. Pero naka-dating siya ng Pinas netong nakaraang Pebrero.

At sa pangalawang pagbisita ni William kasama ang nanay ni Kathlyn sa tanggapan ni Raffy Tulfo, dito ay nakaharap na nila si Kathlyn. Umpisa pa lamang ay umiiyak na si Kathlyn sa kanyang pakikipag usap kay Raffy.


Humiling si William na ang magiging pakikipag-usap ay sa pamamagitan ng Ingles at kung hindi daw ay aalis na lang siya. Iyak ng iyak si Kathlyn habang nagsasalita ng bisaya sa kanyang ina. Ang dahilan daw kung bakit ayaw niyang makasama si William ay dahil pinilit lang daw siya ng kanyang ina. Sinabi niya kay William ang “Let me go”.



Binanggit din niya na sinaktan pa siya ng kanyang ina sa harapan ni William at ito ay ikinagulat at itinanggi din mismo ng asawang banyaga. Nakausap din ni Raffy Tulfo ang sinasabing kabit ni Kathlyn na si Irene. Dito ay nagkaroon ng idea si Raffy na nagsisinungaling si Kathlyn dahil sinabi niya na wala na sila pero ang sinabi ni Irene ay nagsasama pa rin sila.

Sa huli ay sinabi ni Raffy Tulfo na bibigyan sila ng pagkakataon na magusap na hindi sila kasama upang magkaroon ng pag-aayos ang nangyari.






error: Content is protected !!