Pamangkin ni Angel Locsin? Naalala nyo pa ba ang napakagandang child star na si Alyanna Angeles? Ito na siya ngayon!



Malayo na sa batang babae na nakilala natin noon, ang child star na si Alyanna Angeles ay isa na ngayong magandang dalaga na maaaring maging susunod na beauty queen ng ating bansa. Ang isa sa pinakahahangaang child star noon sa telebisyon ay isa nang mayuming dalaga sa ngayon.


Taong 2011 hanggang 2012 nang si Alyanna ay lumabas bilang si Andrea “Andi” H. Dela Vega sa “Maria La Del Barrio”, ang remake ng Mexican telenovela na hinangaan ng marami sa atin. Gumanap siya bilang anak ni Maria Hernandez-Dela Vega na ginampanan ni Erich Gonzales at ni Luis Fernando M. Dela Vega na ginampanan naman ni Enchong Dee.



Matapos nito ay ginampanan naman niya ang batang karakter ni Erich sa 2013 superhero series na “Juan Dela Cruz” na si Rosario Galang na kapareha ng bidang aktor dito na si Coco Martin. Taong 2014 naman ng siya ay gumanap bilang si Señorita Isabelle Miravelez, ang batang karakter ni Kim Chiu sa drama series na “Ikaw Lamang”.


Unang pagtatambal nila ito ni Zaijan Jaranilla na gumanap naman sa batang role ni Coco Martin na si Samuel S. Hidalgo na kapareha ng aktres na si Kim Chiu.



Dahil sa pagkakahawig nito sa Chinita Princess na si Kim Chiu ay gumanap siyang muli bilang batang karakter nito sa 2016 romantic drama na “The Story of Us”. Ito ang pangalawang beses na nakapagtambal sila ni Zaijan na gumanap bilang batang Macoy Sandoval na karakter naman ng love interest nito na si Xian Lim.



Bukod sa mga natatanging pagganap niya sa mga nakababatang role sa primetime, gumanap din siya sa “Wansapanataym” series na “Witch-A-Makulit” at “That’s My Toy”. At nito lamang 2017 nang nakita si Alyanna bilang dalagang Hershey Hilado, isang fashion influencer na ginampanan ng aktres na si Ria Atayde sa “Maalaala Mo Kaya” episode na “Damit”.

Image credit:  alyannaangeles_ instagram




error: Content is protected !!