Nakahukay ang mga Chinese archeologist ng edad 2,000 taong gulang na “bronze pot” na mayroong sinaunang wine mula pa sa Han Dynasty!



Nakalibing sa napakalawak na libingan ng dinastiyang Han (202 B.C. to 8 B.C.) sa Central China, Henan Province. Nakahukay ang mga archeologist ng isang selyadong “bronze pot” na nasa 2,000 taon na ang edad na naglalaman pa ng sinaunang alak. Wala rin namang ulat patungkol sa detalye ng pagkakaselyo nito at kung paanong hindi nag-“evaporate” ang nasabing wine sa mahabang panahon.


Ang pangkat ng mga mananaliksik ay nakadiskubre ng 3.5 litro ng “malinaw at kulay dilaw na likido” na kung iyong aamoyin ay tila ba isang “wine”, ayon ito kay Shi Jiazhen na head ng Institute of Cultural Relics and Archeology sa siyudad ng Luoyang.




Ang mga “rice wine” o “sorghum rice wine” ay mayroong importanteng pagganap sa mga seremonyo o sakripisyong ginagawa noon. Ang nasabing likido ay patuloy pag pinag-aaralan upang malaman ang pinagmulan nito. Bukod sa mga nasabing alak ay mayroon din silang nadiskubre na 2,300 square foot na himlayan na mayroon ding mga palayok na mayroong pinta at mga tanso na artifacts. Mayroon din namang lampara na hugis gansa at mga buto ng taong nahimlay sa hantungan na iyon.


Hindi ito ang unang beses na mayroong nahukay na sinaunang rice wine sa Tsina. Dahil Marso lamang din ng taon na ito ay napabalita na nakahukay din ang mga archeologist ng tansong takure na naglalaman ng likido mula sa himlayan ng isang karaniwang tao.


Sinasabi na ang artifact na ito ay isang “sacrificial vessel” para sa mga patay, na nasa 2,000 taon na sa pagitan ng Warring State (475-221 B.C.) at ng Qin Dynasty (221-206 B.C.). Isa lamang ito sa 260 na mga bagay na nadiskubre ng mga archeologist sa nasabing libingan. Karamihan sa mga relics ay para sa mga ritwal ng pagsamba.


Ayon naman kay Xu Weihong, isang mananaliksik ng Shaanxi Provincial Institute of Archaeology (SPIA) na higit sa 300ml ng rice wine ang nakita nila sa bote na selyadong selyado sa pamamagitan ng mga “natural fibers” na naging dahilan upang magtagal ito ng maraming mga taon.





error: Content is protected !!