Ninong at ninang ng bunsong anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa binyag umabot sa 52 ang bilang!



Ang pagiging isang magulang ay biyaya mula sa Maykapal at isa sa maraming mga pagpapala na dapat nating ipagpasalamat sa araw-araw. Bagamat hindi madali maging isang magulang ay palagi naman tayong mayroong mga mahal sa buhay na gagabay at tutulong para sa ikatatagumpay ng kanilang buhay bilang mga magulang.



At mayroon din namang mga ninong at ninang ang ating mga anak na magsisilbing pangalawang mga magulang ng ating mga anak. Ang pagiging ninong o ninang ay hindi lamang tuwing panahon ng Kapaskuhan kundi ito ay panghabang-buhay na responsibilidad at tungkulin.


Kamakailan nga lamang ay ipinagdiwang ng pamilya Gutierrez ang binyag ng bunsong anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na si Baby Kai. Talaga nga namang hinangaan ito ng maraming mga netizen dahil sa magarbong selebrasyon nito at disenyo ng kanilang reception.


Bukod sa enggrandeng selebrasyon na ito ay pinagpiyestahan din ng marami ang bilang ng mga ninong at ninang ni Baby Kai na talaga namang mga bigatin talaga sa industriya ng show business, sports, pulitika, at negosyo. Star-studded nga kung tawagin ito ng publiko.




Umabot nga sa 52 ang mga ninong at ninang ni Baby Kai kabilang na ang ilang mga sikat na personalidad tulad nina Senador Bong Go, aktres na si Bea Alonzo, business tycoon na si Lucio Tan, Sec. Salvador Panelo, Atty. Anna Teresa Gozon Valdez, aktres na si Janine Gutierrez, professional basketball player na si James Yap, It’s Showtime host na si Mariel Padilla, aktres na si Assunta de Rossi, batikang aktor at direktor na si Ricky Davao, Narvacan Mayor na si Chavit Singson, batikang aktor na si Dingdong Dantes at maramu pang iba.



Naging usap-usapan naman ito ng maraming mga netizen na hindi napigilan ang magkomento patunkol sa dami ng mga ninong at ninang ng bunsong anak nina Richard at Sarah. Ngunit gayunpaman ay napakaswerteng bata pa rin talaga ni Baby Kai dahil sa napakaraming nagmamahal sa kaniya at napakarami rin ang kaniyang mga ninong at ninang na magsisilbing pangalawa niyang mga magulang.




error: Content is protected !!