Diumanong muli pagtatambal nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa isang proyekto nakuhan ng mga larawan at video!



Hindi maipagkakaila na labis nating minahal sina Popoy at Basha sa katauhan ng mga artistang sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. At kamakailan nga lamang ay naibahagi ng isang netizen ang isang kuhang larawan kasama ang isa sa pinakapaboritong love team sa industriya ng show business na sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, ay nagkaroon na nga ng usap-usapan patungkol sa muli nilang pagtatambal sa isang proyekto.


Kaugnay nga ng espekulasyon na ito ay ang mga larawan na kumakalat sa social media na diumano ay nag-taping na ang dalawa sa El Nido Palawan para sa nalalapit nilang pelikula. Marahil ay hindi lamang ito aksidente na sina John Lloyd at Bea ay bigla na lamang nagkita at nagkumustahan sa Palawan.




Bukod pa sa mga larawan ay mayroon ding video kung saan nakuhanan ang dalawa na magkaharap sa isang lamesa at mayroong tatlong lalaki na may hawak na kamera sa kanilang likuran. Isa na rito ang komedyante, host, at direktor na si Jun Sabayton na makikitang nagbibigay ng instructions sa ilang mga bata na nakapalibot kina John Lloyd at Bea.


Ilan pa sa mga larawan ay ang litrato ng magkaloveteam na nakaupo sa isang entablado na mayroong maliliit na puting upuan at mayroon pang mikropono sa ilalim nila. Hanggang sa ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon mula sa magkabilang panig kung ito nga ay ang muli nilang pagtatambal sa isang pelikula matapos ang pamamahinga ni John Lloyd Cruz ng halos higit sa isang taon sa harap ng kamera.



Tiyak na ikatutuwa ng kanilang mga taga-suporta at taga-hanga ang muli na naman nilang pagtatambal sa isang pelikula o sa isang teleserye. Mayroon mang silang pinagdaanan ng mga lumipas na panahon ay hindi pa rin maiaalis sa kanila lalo na sa aktor na si John Lloyd Cruz ang pagmamahal sa kinalakihan niyang larangan at sa industriyang kaniyang kinabibilangan.




error: Content is protected !!