Isang ama na walang pangbili ng bag ng kaniyang anak, hinangaan ng marami dahil sa ginawa niyang “string bag” para sa anak!



Gagawin ng mga magulang ang lahat para sa kanilang mga anak. Magsasakripisyo sila para lamang maibigay ang lahat ng kinakailangan ng kanilang mga anak kahit pa nga pagkain na isusubo na nila ay ibibigay pa nila at ipapakain sa kanilang mga supling.


Ngunit mayroon talagang mga panahon at pagkakataon na wala silang magawa kundi magtiis na lamang lalo na kung usapang pinansyal ang problema ng kanilang pamilya, kadalasan nga ay hindi nila nabibili ang mga bagay na kailangan ng kanilang mga anak.




Naging viral nga kamakailan lamang ang isang ama na ito na talaga namang hinangaan ng maraming mga netizen at nagbigay inspirasyon sa maraming mga tao dahil sa kabila ng kagipitan nila sa pinansyal ay nakagawa pa rin siya ng paraan upang mabigyan ang kaniyang anak ng bag na pinakaaasam-asam nito.


Sa ibinahaging post na nagviral sa Facebook, isang netizen na nakilala bilang Sophous Suon ang nagpost ng mga larawan na ginagamit ng isang mag-aaral mula sa Battambang, probinsiya ng Cambodia. Ang napakagandang bag na ito ay gawa sa “raffia strings” mula sa halaman na kamukha ng Abaca.


Ang bata na nakasuot ng bag ay nakilala bilang si Ny Keng, isang mag-estudyante sa unang baitang sa Lumphat Primary School sa Cambodia. Guro ng bata na ito ang netizen na nagbahagi ng kaniyang mga larawan sa social media suot suot ang bag na gawa ng kaniyang ama. Ayon pa sa guro, mahirap lamang sila at walang kakayahan na makabili ng bagong bag para sa kaniyang anak. Ngunit dahil na rin sa pagnanais niya mabigyan ng maayos na bag ang kaniyang anak ay kumuha siya ng “raffia strings” at ginawa niya itong isang bag.


Bagamat simpleng bag lamang ito ay labis itong hinangaan ng mga netizen dahil sa pagmamahal ng ama para sa kaniyang anak. Wala mang pinansyal na kakayahan ang ama upang makabili ng isang bag para sa kaniyang anak ay talaga namang nakahihigit pa ang bag na ito na gawa mula sa pagmamahal ng ama para sa kaniyang anak.





error: Content is protected !!