Plastik na mga basura ang tinatanggap ng bayad ng isang tindahan na ito sa Cebu nagpamangha sa publiko!



Ang polusyon sa plastik ay isa sa pinakamabigat na problema dito sa ating bansa at maging sa ibang panig ng mundo. Napakalawak ng nagiging epekto nito lalo na sa ating karagatan at sa mga hayop na naninirahan dito. Bilang resulta ng talamak na polusyon sa plastik ay maraming mga isda, sea turtles, at iba pang mga hayop sa karagatan. Marami na nga din ang mga balita tungkol sa mga hayop sa dagat na namamatay dahil sa pagkain nila ng mga basurang plastik, nasasabit o di kaya naman ay nadidisgrasya ang parte ng mga katawan nila rito.


Bagamat ang problemang ito ay dulot din naman nating mga tao at ang kawalan natin ng disiplina mayroon pa din namang ilang mga organisasyon at mga grupo ng mga tao na nagsusumikap masolusyunan pa ang lumalalang problema na ito.




Gaya na lamang ng isang bagong bukas na tindahang ito sa Cebu na tinawag na “Plastic Barter Store” na naglalayong mabawasan ang mga plastic na basura sa ating kapaligiran kasabay ng pagtulong sa maraming mahihirap nating kababayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pangunahin nilang pangangailangan tulad ng pagkain at iba pang supply kapalit ng iba’t-ibang mga plastik na basura.


Isang Facebook user na nakilala bilang si Alan Domingo ang nagbahagi ng mga larawan na kuha mula sa nasabing tindahan sa Balay Samaritano sa Mabini Street, Cebu City malapit sa University of Southern Philippines. Ang “Plastic Barter Store” na ito ay mayroong iba’t-ibang mga produktong mapagpipilian ng kanilang mga customer na magnanais na magpalit ng plastik sa kanilang tindahan.



Ilan sa mga nakadisplay rito ay mga plastik ng bigas, mga lata ng sardinas, damit, tsinelas, mga laruan, at iba panh mga gamit sa paaralan. Mayroon ding nakalagay na timbang o bigat ng mga plastik na basura sa bawat produkto. Halimbawa na lamang ang apat na kilo ng plastik ay maaaring ipalit sa isang plastik ng bigas, habang ang laruan naman ay mayroong katumbas dapat na dalawang kilo ng plastik na mga basura.


Ang nasabing tindahan ay tumatanggap ng iba’t-ibang mga plastik tulad na lamang ng mga plastik na bote, pakete ng shampoo o mga balat ng mga tsitsirya na dapat ay linisin muna bago ipalit sa tindahang ito. Maraming mga netizens ang pumuri at humanga sa konseptong ito upang mabawasan ang mga plastik na basura sa ating kapaligiran. Ito ay naglalayon din na makumbinsi pa ang maraming mga tao na iwasan na ang pagtatapon ng mga balat ng pagkain, shampoo, o mga plastik na bote sa kung saan-saan dahil mas mapapakinabangan nila ang mga ito kung ipapalit na lamang nila sa “Plastic Barter Store”.





error: Content is protected !!