Bagong kasal, na-“eat and run” ng ilan sa kanilang mga bisita sa kanilang kasalan!

Pagpapakasal ang isa sa pinakamahirap at pinakamabigat na desisyon na iyong magagawa sa iyong buhay. Gaya nga ng madalas nating marinig sa ating mga lolo at lola na ang pagpapakasal ay hindi parang isang bagong lutong kanin na kapag iyong sinubo at ikaw ay napaso ay agad agad mo itong mailuluwa pagkatapos.

Ang pagpapakasal ay isang banal na seremonya at isang panibagong simula para sa dalawang indibidwal na nagnanais nang lumagay sa tahimik at bumuo ng sarili nilang pamilya.

Kamakailan nga lamang ay mayroong isang netizen na nagbahagi ng kaniyang komento at simpatya para sa bagong kasal na tila na-eat and run ng kanilang mga bisita. Ayon sa post ng isang Jes Sta Isabel nito lamang Hunyo 19 ay inilarawan niya kung gaano siya nadismaya sa inasal ng ilang mga bisita sa isang kasalan.

Ayon sa netizen ay nasa halos 200 ang mga bisita ng bagong kasal na ito ngunit bigla na lamang naubos ang mga tao pagkatapos ng kainan kahit hindi pa tapos ang programa ng kasalan. Dagdag pa niya ay nakakalungkot isipin na sa tradisyunal na “cutting of cake” at iba pang mahalagang bahagi ng programa ay wala nang mga tao na dapat sana ay saksi at pumapalakpak para sa pinakahihintay na araw ng bagong kasal.

Nakakapanlumo talagang isipin na matapos paglaanan ng oras, panahon, at salapi ng bagon kasal ang selebrasyon na ito ay tila agad na lamang nagsialisan ang mga bisita nila. Mga bisita nila na kanilang inimbitahan upang sana ay makasama nila at maging parte ng kanilang pag-iisang dibdib.

Tayong mga Pilipino ay kilala sa ating pagmamahal sa ating pamilya at sa ating kapwa. Kung kaya marami din talagang mga Pilipino na hindi naiwasang magkomento patungkol sa insidente na ito. Samu’t-saring mga komento mula sa mga netizen ang inani ng post na ito na tiyak na magsisilbi na ring isang aral sa marami sa atin.



error: Content is protected !!