Binayaran ng Gasoline Boy ang kinargang gas ng isang babaeng nakaiwan ng pambayad sa bahay! Sa pagbalik ng babae ay binigyan siya ng malaking gantimpala!



Ang pagbibigay ng kabutihan sa mga tao ay isang mabuting gawain itinuturo sa atin ng ating mga magulang at guro. Ang pagtulong sa mga nangangailangan ang dapat makasanayan. Maraming paraan ng pagtulong hindi lamang ito sa pamamagitan ng pera. Dahil ang tumulong sa kapwa ay isang magandang asal na magpapatunay na isa kang mabuting tao.


Pero hindi maiiwasan na mayroong ibang tao na kahit na marami ng dumating na biyaya sa kanila, wala pa rin sa kanila ang pagtulong sa mga nangangailangan. Kung ikaw ay madamot, malamang ay dadating ang panahon na pagdadamutan ka ng iba. At kung ikaw ay mapag-bigay, mararamdaman mo ang mga naka-paligid sa iyo ay handa kang tulungan.




Katulad na lamang ng kabutihang ipinakita ng isang gasoline boy na may pangalan na Nkosikho Mbele. Siya ay may edad na 28 at may ginintuang puso.


Maraming tao ang nabilib sa ipinakita niyang kabutihan sa isang babaeng drayber na si Monet van Deventer, na may edad na 21, sa pagbayad niya ng kinargang gasolina. Naiwanan ni Monet ang kanyang mga bank cards upang pambayad sana sa gas niya sa kanyang biyahe. Binayaran ni Nkosikho ang gasolinang nagkakahalagang 6.31 US dollars kahit na alam niyang maaaring hindi na muling ibalik sa kanya ang pera.



Pero laking gulat na lamang ng ibinalik sa kanya ay 32,972.94 US dollars o kulang 1.6 Milyon Pesos. Ang perang ito ay nagmula sa fund-raising na ginawa ni Monet. Malaking pera ito para sa kabutihang ipinakita ng Gasoline boy.

Ayon kay Nkosikho Mbele:
“I was just doing what anyone else would have done, from the heart. I believe there is no black and white and that we are all one people and I just want to bring people together,”


Idinagdag pa niya:


“I know how dangerous that stretch of the N2 is that she wanted to travel and my faith in God told me it was the right thing to pay for her to travel safely so I bought her fuel for her,”






error: Content is protected !!