Categories: Viral

Gumawa ng paraan ang pamilya, upang ang inang naka-duty ay makasama sa isang Festival

Para sa mga intsik, ang Mooncake Festival ay isa sa mga inaabangan nilang okasyon. Isa ito sa pinaka-kilalang pagdiriwang na puma-pangalawa sa Chinese New Year. Para sa mga intsik, ang Mooncake Festival ay isang pagdiriwang kung saan ay nagkakasama-sama ang pamilya at nagkakaroon ng oras sa bawat isa. Siyempre, hindi mawawala ang pagkain ng mooncake.


Pero may mga pagkakataon na hindi nabubuo ang mga pamilya lalo na kung mayroon kang trabaho ng araw na iyon. Katulad na lamang ng isang traffic enforcer na babae na si Wong.

Si Wong ay nangako sa kanyang pamilya na siya ay makaka-sama sa Mooncake Festival at nagsabing magkakaroon ng family outing. Pero hindi nangyari ito dahil siya ay inatasang magtrabaho ng araw na iyon. Hindi man natuloy ang plano, mayroon pa lang nag-aantay na surpresa sa kanya ng araw na iyon.


Sa kanyang trabaho noong araw na iyon, nakita niya ang kanyang asawa at dalawang anak sa lugar ng kanyang trabaho. Hawak ng asawa ang isang taong gulang na anak at ang isa pang anak ay kasama na may bitbit na kahon ng Mooncake.

Ginagampanan ni Wong ng oras na iyon ang mag-trapik sa mga sasakyan. Inaalalayan niya rin ang mga tumatawid na matatanda at kung may PWD man. Pinagmamasdan ng asawa at mga anak ang sakripisyo ginagawa ni Wong para sa pamilya. Patunay din na isang dedikadong tao si Wong sa kanyang trabaho.

At ng dumating ang break-time ni Wong, sila ay umupo sa isang lugar at sabay na kumain ng Mooncake. Makikita sa mga mukha nila ang kaligayahan dahil sa araw ng Mooncake Festival, naka-gawa ng paraan upang sila ay magkasama-sama. Kahit na kapirasong oras lamang ang nabigay sa kanila ng ina, ito ay isang araw na hindi malilimutan.


Patunay lamang ito ng pamilyang nagmamahalan at nakaka-gawa ng paraan upang magkasama-sama.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago