Isang bata ang bigla na lamang lumublob sa putikan dahil sa kahit minsan ay hindi siya nadala ng kaniyang ina sa isang swimming pool!



Tunay nga namang masarap maging isang bata. Mga bata na walang kamalay-malay at inosente pa sa maramin hamon, pagsubok at hirap ng buhay. Mga bata na sa simpleng mga bagay lamang ay masaya na at sa paglalaro lamang ay talagang kumpleto na ang kanilang araw.


Kamakailan lamang ay kinagiliwan sa social media ang bata na ito na galak na galak sa pagtatampisaw sa tubig sa kanilang eskwelahan. Ang nagbahagi ng post na ito ay ang ina ng bata na si Rozita Adbul Razak. Nagulat ang ina ng sinabi sa kaniya ng isang guro ang tungkol sa isang bata na naglalaro ng tubig sa isang parte ng paaralan.




Inakala ng ina na kaunting tubig lamang ang nilalaro ng anak ngunit nabigla siya nang makitang naglalangoy na pala ang kaniyang anak sa tubigan habang nakasuot pa ng kaniyang uniporme. Pinagsabihan din siya ng kaniyang kuya ngunit ang nangyari ay naghabulan na lamang ang magkapatid at nagtampisaw sa tubig.


Tinanong ng ina ang kaniyang anak kung ano ang kaniyang ginagawa at sinabi ng anak na hindi siya dinadala ng ina sa isang swimming pool kahit anong pagpupumilit niya kung kaya dito na lamang siya naglangoy.


Dagdag pa ng kaniyang ina, hindi na niya nagawa pang habulin ang kaniyang anak dahil sa lawak ng maaari nitong pagtakbuhan at tiyak na mapapagod lamang siya. At isa pa ay talaga namang marami ang nanunuod sa ginagawa ng kaniyang anak.


Labis na ikinatuwa at kinagiliwan ng maraming mga netizens ang nasabing bata. Tunay ngang nakakatuwang pagmasdan ang mga bata na nagsasaya at naglalaro na tila ba wala nang bukas pa. Kung sana nga ay maibabalik natin ang mga araw at panahon na tayo ay bata pa at wala pang ibang iniintindi sa buhay kundi ang mag-aral at maglaro lamang at masaya na sa mga simpleng bagay na mayroon sila.





error: Content is protected !!