Isang online seller ang hinangaan ng marami dahil sa magandang bahay na agad nitong naipundar makalipas ang limang taon!

Sino nga ba naman ang ayaw umasenso sa buhay at makapagpundar ng sarili nilang bahay at lupa, sasakyan at negosyo. Tunay ngang mahirap talaga ang buhay. Hindi naman natin maikakaila na ang karamihan sa atin ay napagkakasya lamang ang sahod na kinikita kinsenas-katapusan.


Ang iba pa nga ay buwanan kung makakuha ng kanilang mga sweldo kung kaya naman sadyang napakahirap talagang magbudget lalo na para sa mga ilaw ng tahanan na tila gumagawa na lamang ng mahika sa tuwing mahahawakan nila ang mga sweldo ng kanilang asawa. Hindi lamang pagkain ang pangunahing gastos ng isang pamilya kundi maging ang edukasyon ng kanilang mga anak lalo na sa kolehiyo.


Kung kaya naman kamakailan lamang ay talaga namang labis na hinangaan ang online seller na ito na nakapagpundar agad ng isang magandang bahay makalipas lamang ang limang taon niyang pagiging online seller. Siya ay nakilala sa Facebook name niya na Car Li Ta na nagbahagi ng kaniyang birthday gift sa sarili.


Ngunt hindi pala ito basta bastabg regalo lamang. Dahil isang bahay ang kaniyang regalo para sa kaniyang sarili. Pag-amin pa niya, sa kabila nang paglalayas niya noon sa kanila ay nagsumikap siyang makaangat sa buhay kasama na rin ang kaniyang partner sa buhay.


Aminado siyang mali ang ginawa niyang paglalayas ngunit nagsumikap din naman siya sa buhay sa pamamagitan ng pagtatrabaho at pagiging madiskarte sa buhay. Talaga namang kinabiliban sya ng maraming mga netizens lalo na yung mga nagtitnda online o yung mga online seller na mas maging masigasig pa sa kanilang hanapbuhay, at tiyak na magtatagumpay din sila sa nais nilang marating at makamit sa buhay.


Lalo na ngayon na marami na din ang sumusubok sa ganitong trabaho at iba pang pagkakitaan, wala na ngang makakahadlang pa sa isang tao na mayroong puso at pagmamahal sa kaniyang ginagawa, sa kaniyang trabaho, at sa kaniyang mahal na pamilya.



error: Content is protected !!